Cristy sa mga duda sa sakit ni Kris: "Kita naman po ang pruweba"

Cristy sa mga duda sa sakit ni Kris: "Kita naman po ang pruweba"

- Nakarating kina Cristy Fermin ang komento ng mga netizens na nagdududa umano sa sakit ni Kris Aquino

- May mga nagsasabi umano na hindi naman daw ganoon kalala ang karamdaman ng 'Queen of all media'

- Gayunpaman, nasabi ni Cristy na hindi naman umano maglalabas ng malaking pera si Kris para sa pagpapagamot kung 'di totoo ang kanyang karamdaman

- Hiling nilang gumaling na nang tuluyan si Kris para sa kanyang mga anak sa kabila ng dinaranas nitong sakit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang umano'y ilang komento ng publiko na tila hindi ganoon kalala ang karamdaman ni Kris Aquino.

Cristy Fermin sa mga duda sa sakit ni Kris Aquino: "napakahirap 'nun, nakakatakot 'yun"
Cristy Fermin (Photo from Showbiz Now Na!)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na dumating na umano sa puntong nagdududa na ang ilang mga nakasubaybay sa kalagayan ng 'Queen of All Media.'

"Kung totoong may sakit si Kris ay bakit kung ano-ano pa ang mga naglalabasan," ang nasasabi ng ilan ayon kay Morly.

Read also

Cristy sa 'di pagbati ni Dennis Padilla sa grad ni Claudia; "Siguro sinadya na niyang manahimik"

"Kita naman po natin ang pruweba na bumagsak po ang kanyang timbang. Meron nga po siyang larawan na talagang hindi na siya e. Talagang yayat na yayat ang kanyang mukha," ayon naman kay Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Itinatago ng ilang personalidad ang ganoong itsura, pero siya inilalabas niya," dagdag pa nito.

Kaya naman masasabing imposible ang hinala ng ilan na hindi ito totoo lalo pa at gumagastos na talaga ito ng malaki sa kanyang gamutan.

"Siguro naman hindi tayo uupa ng eroplano na sasakyan natin papunta ng ibang bansa para sa ating pagpapagamot kung wala tayong dinaramdam. Siguro naman hindi tayo dudukot ng malaking bahagi sa ating bulsa para ipagpatuloy 'yung gamutan na alam mong doon magaganap. Pero bakit ganito ang nangyayari ngayon? Kahit sa mga vlogs na hindi naman natin alam kung saan nagmumula pero talaga namang ang tanong totoo bang siya ay may sakit o nagsasakit-sakitan lang? Napakahirap naman noon, nakakatakot," ani Cristy.

Read also

Estudyanteng lakas-loob na naglalako ng turon sa paaralan, umantig sa puso ng marami

Gayunpaman, hiling nilang tuluyan nang gumaling Kris na sa kabila ng dinaranas na hirap sa kanyang karamdaman ay patuloy na lumalaban para sa kanyang mga anak.

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbabahagi ng pinakabagong balita sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel