Ruru Madrid, inaming si Bianca Umali na ang "the one" para sa kanya

Ruru Madrid, inaming si Bianca Umali na ang "the one" para sa kanya

- Inamin na ng Kapuso actor na si Ruru Madrid na si Bianca Umali ang babaeng 'the one' para sa kanya

- Natanong siya ni Toni Gonzaga tungkol sa pagpapalit relihiyon ni Bianca Umali na napapabalitang girlfriend ni Ruru

- Subalit nasabi ni Ruru na inaral muna rin talaga ni Bianca ang pakikisapi sa Iglesia bago tuluyang magpa-convert

- Gayunpaman, aminado si Ruru na naitago na pinili nilang maging pribado sa kanilang relasyon sa kabila ng iba't ibang espekulasyon sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kauna-unahang pagkakataon, umamin na si Ruru Madrid kaugnay sa kung ano si Bianca Umali sa kanya.

Ruru Madrid, inaming si Bianca Umali na ang "the one" para sa kanya
Ruru Madrid at Bianca Umali (@rurumadrid8)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa ito sa napag-usapan nila ni Toni Gonzaga matapos na matanong siya nito ukol sa pagbabago ng relihiyon ni Bianca na isa na umano ngayong INC, ang relihiyon ni Ruru.

Read also

Ruru sa 'di agad pag-amin sa relasyon nila ni Bianca; "Parehas po kaming galing sa love teams"

"For her kasi, bago ka maging Iglesia ni Cristo, it would take time talaga. Before ka maging INC, 8 months. Kailangan aralin 'yung 25 lessons And after that kailan mo pang tinatawag naming sinusubok. Doon kailangan hindi ka maka-miss ng kahit na isang pagsamba. Kailangan mong makapunta sa mga tinatawag naming mga pulong na lahat yun dapat makumpleto mo. For her kasi inaral muna niya," paliwanag ni Ruru kaya hindi raw niya masabi na dahil lamang sa kanya kaya naisipan ni Bianca na magbago ng relihiyon.

Gayunpaman, aminado siyang big step ang desisyon na ito ni Bianca na sinundan naman ng tanong ni Toni kung si Bianca na nga ba ang 'the one' para sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I would say yeah... Yes po," agad na sagot ni Ruru.

"Ngayon lang ako nakakita ng tao na parang susuportahan ako ng sobra... Willing siya na mag-take ng risk para lang ipakita niya sa'kin kung gaano ako kaimportante sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na parang lahat ng gusto ko sa isang babae nasa kanya na," paliwanag ni Ruru.

Read also

RR, sa acne post ni Heaven Peralejo; "Siguro napaka-insensitive niya to post that"

Inamin din ni Ruru na ang pagkakaroon nila ng magkakaibang love teams ang dahilan ng hindi nila basta pag-amin sa publiko.

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa Toni Gonzaga Studio:

Si José Ezekiel Misa Madrid o mas kilala bilang si Ruru Madrid ay isang aktor at modelo sa bansa. Produkto siya ng reality show ng GMA na Protégé: The Battle For The Big Artista Break. Noong 2016, mas nakilala siya bilang isang Kapuso star sa remake ng teleseryeng Encantadia. Sa ngayon, siya na ang bida sa isa na namang serye sa GMA, ang Lolong.

Kamakailan, naging matunog ang pangalan ni Ruru matapos na umano'y sawsawan ni 'Sawsawera Queen' RR Enriquez ang isyu sa umano'y walang label na relasyon nina Ruru at Bianca Umali.

Matatandaang maging ama ni Ruru at nagbigay komento rin sa isyu bilang pagtatanggol sa kanyang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel