Ogie D, may payo kay Direk Paul ukol sa 'most powerful celebrity' comment nito

Ogie D, may payo kay Direk Paul ukol sa 'most powerful celebrity' comment nito

- Nagbigay komento si Ogie Diaz sa naging kontrobersyal na pahayag ni Direk Paul Soriano tungkol sa kanyang misis na si Toni Gonzaga

- Nasabi ni Direk Paul sa isang presscon na si Toni ang 'most powerful celebrity' ngayon

- Umani ito ng iba't ibang reaksyon sa mga tao lalo na at hindi umano pumatok sa takilya ang MMFF movie ni Toni

- Ayon din kay Ogie, lagi sanang pinaiiral umano ang pagiging 'humble' sa lahat ng pagkakataon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga tinalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa pinakabagong episode nila ng Showbiz Update ay ang naging komento ni Direk Paul Soriano ukol sa misis niyang si Toni Gonzaga.

Ogie D, nami-misinterpret umano ng tao ang "most powerful celebrity" comment ni Direk Paul
Paul Soriano and Toni Gonzaga-Soriano (@paulsoriano1017)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay ang nabanggit ni Direk Paul na maituturing umanong "most powerful celebrity today" ang 'My Teacher' star.

Read also

Mama Loi, napansing iba ang aura ni Toni Gonzaga; Ogie D, pumusta

Marami umano ang umalma sa naging pahayag nito ni Direk Paul at nagbigay ng kani-kanilang opinyon ukol dito.

"'Yung iba naman e sinasabi, hindi ako nagsabi nito ah. 'Yung iba naman sinasabi sana daw, hindi sinabi noong unang press con ni Paul Soriano yung mga katagang sa kanyang paniniwala, ang most powerful celebrity today ay si Toni Gonzaga," ani Ogie D.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Sabi ng ibang friends natin sa industry na nakakausap ko din, sana daw nung una hindi na sinabi ni Paul 'yun. Pangalawa, sana daw inintay ni Paul Soriano na ibang tao na lang ang magsabi hindi siya bilang asawa. Pangatlo, habang nasa posisyon sila, habang sila 'yung may powers, dapat pinaiiral nila 'yung humility," dagdag pa niya.

Ayon pa kay Ogie, nauunawaan naman niya na maaring bilang asawa ay mismong si Direk Paul na rin ang nagbigay suporta. Subalit, hindi maiiwasang iba ang maging hagip ng mga tao ukol dito.

Read also

Jessy Mendiola, binahagi ang nakakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo

"Katulad niyan sinabi ni Paul na most powerful celebrity si Toni, siyempre yung mga tao naman patuutnayan nila na mali si Paul. Patutunayan namin na mali si Paul, may ganyan sila. Kasi, para maibalik natin yung mga paa niya sa lupa."

Mahalaga rin umano na sa lahat ng pagkakataon ay dapat manatiling mapagpakumbaba ani Ogie D.

"At all times siguro no, lalo na nandun tayo sa posisyon sana pinaiiral din natin ang pagiging humble."
"Hindi naman sa sinasabing mayabang si Paul. Kaya lang nami-misinterpret ng mga tao"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake". Hanggang sa naging sunod-sunod na ang kanyang mga proyekto sa pelikula man o telebisyon.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

My Teacher ni Toni G, inire-require na panoorin ng mga estudyante sa isang paraalan ayon kay Ogie D

Sa parehong episode ng Showbiz Update, natalakay din nila ang tungkol sa napapabalita umanong 500 tickets na binili ni Mommy Pinty para umano sa anniversary concert ni Toni Gonzaga sa January 20.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel