Mama Loi, napansing iba ang aura ni Toni Gonzaga; Ogie D, pumusta

Mama Loi, napansing iba ang aura ni Toni Gonzaga; Ogie D, pumusta

- Nakipagpustahan si Ogie Diaz kay Mama Loi na may napansing kakaiba kay Toni Gonzaga

- Ayon kasi kay Mama Loi, tila iba umano ang aura ngayon ni Toni na animo'y buntis

- Naikwento kasi ni Mama Loi na tatlong beses na umano niyang nahulaan ang pagbubuntis ni Mommy Sowl na misis ni Ogie D dahil lamang sa blooming ito

- Php10,000 ang ipinusta ni Ogie D na hindi raw buntis si Toni habang si Mama Loi ay 'di makakasa agad sa laki umano ng halaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nauwi sa pustahan ang simpleng komento ni Mama Loi kay Toni Gonzaga sa naging interview nito kay Wacky Kiray.

Mama Loi, napansing iba ang aura ni Toni Gonzaga; Ogie D, pumusta
Mama Loi, Dyosa Pockoh at Ogie Diaz (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na sa naturang interview, tila iba raw ang aura ni Toni ayon kay Mama Loi.

"'Yung nakita ko 'yung interview ni Toni kay Kiray, kasi kaibigan natin si Kiray, ang blooming niya. Iba 'yung aura niya," ani Mama Loi.

Read also

Ogie D sa bagong serye ni Coco; "Suggestion ko siguro, mag-iba naman ng line up ng mga stars"

Nilaarawan pa ni Mama Loi na blooming si Toni na animo'y isang buntis.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Yung napanood ko 'yung kay Kiray Nay parang ganon 'yung na-sense ko e. Ano lang naman 'to na-sense ko lang. Kasi naalala ko si Mommy Sowl. 'Di kaya buntis si Toni Gonzaga?"

Kwento ni Mama Loi, makailang beses na niyang nabati ang misis ni Ogie Diaz na si Mommy Sowl tuwing napapansin niyang iba ang aura nito. Matapos niya itong punahin, lilipas lang ang ilang araw at malalaman niyang buntis ito.

Tatlong beses daw niya itong tila nahulaan kaya naman baka ganoon din umano si Toni.

Hanggang sa maisip ni Ogie D na gawing pustahan ang komento na ito ni Mama Loi.

"Eto nalang pustahan tayo... Php10,000. Hindi buntis," ani Ogie habang hindi naman agad na nakasagot si Mama Loi.

Read also

Ogie D, may payo kay Direk Paul ukol sa 'most powerful celebrity' comment nito

Hindi naman agad na nakasagot si Mama Loi lalo na't may kalakihan ang halagang ipinupusta ni Ogie D.

Narito ang kabuuan ng kanilang masayang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa parehong episode ng Showbiz Update, natalakay din nila ang tungkol sa napapabalita umanong 500 tickets na binili ni Mommy Pinty para umano sa anniversary concert ni Toni Gonzaga sa January 20.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel