Ogie D sa bagong serye ni Coco; "Suggestion ko siguro, mag-iba naman ng line up ng mga stars"

Ogie D sa bagong serye ni Coco; "Suggestion ko siguro, mag-iba naman ng line up ng mga stars"

- Nagbigay suhestyon si Ogie Diaz sa bagong teleserye na FPJ's Batang Quiapo

- Nagsimula na umano ang shoot ng naturang serye na pagbibidahan muli ni Coco Martin

- Nakatanggap umano siya ng komento na ang 'Lab yu with an accent' na MMFF movie ni Coco ay karamihan cast din ng FPJ ang Probinsyano

- Upang sana'y maalis ang impresyon na ito sa mga tao, bagong mukha raw sana ang makasama ni Coco Martin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masaya umano si Ogie Diaz sa pagbabalik telebisyon ni Coco Martin sa bago nitong serye ang FPJ's Batang Quiapo.

Ogie D sa bagong serye ni Coco; "Suggestion ko siguro, mag-iba naman ng line up ng stars"
Coco Martin (@cocomartin_ph)
Source: Instagram

Ito ay dahil sa marami umanong mabibigyan muli ng hanapbuhay mula sa mga artista hanggang sa mga magiging production staff ng serye.

Gayunpaman, nagbigay suhestyon si Ogie pagdating sa pagpili ng cast para sa serye na tiyak na tatangkilin muli ng marami.

Read also

Ogie D, may payo kay Direk Paul ukol sa 'most powerful celebrity' comment nito

"Tayo'y natutuwa dahil magkakaroon na naman ng maraming trabaho ang maraming artista, ang production staff

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pero mas maganda siguro magpalit naman ng mga artista na kasamang regular ni Coco sa series
"Suggestion ko siguro, mag-iba naman ng line up ng mga stars. HIndi yung mga nakasama na sa Ang Probinsyano. Para hindi magmumukhang continuation."

Nakarating din umano ang komento ng isa niyang kaibigan na tila nanonood pa rin daw ito ng FPJ's Ang Probinsyano sa MMFF movie ni Coco na 'Lab yu with an accent' kasama si Jodi Sta. Maria.

"Kasi napansin ko 'yan Loi sa Lab yu with an accent. Na nandun din yung iba niyang mga kasama sa Ang Probinsyano. Kaya sabi ng friend ko, para rin daw siyang nanonood ng Ang Probinsyano."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Jessy Mendiola, binahagi ang nakakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo

Si Coco Martin, na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno, ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon.

Wala mang pag-amin, subalit si Coco ang umano'y nakabihag sa puso ng isa ring Kapamilya actress na si Julia Montes. Makailang beses na ring napabalitang nagbuntis si Julia subalit nanatiling tahimik ang panig nila sa isyung ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel