Coco Martin, nakiisa pa rin Translacion 2023 kasama ng libo-libong kapwa deboto

Coco Martin, nakiisa pa rin Translacion 2023 kasama ng libo-libong kapwa deboto

- Namataan pa rin si Coco Martin sa Translacion 2023 na ginanap noong Enero 9

- Patuloy pa rin siya sa pagdalo ng Translacion na matagal na umano niyang panata sa Poong Nazareno

- Ngayong taon, magiging bahagi rin umano ito ng kanyang bagong teleserye na 'FPJ's Batang Quiapo'

- Pinasalamatan din ni Coco ang kanyang team sa unang taping day ng nasabing bagong serye

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pa rin nagmintis si Coco Martin sa pagdalo ng Translacion 2023. Namataang nakiisa pa rin siya sa naturang pagtitipon kasama ng mga kapwa niya deboto na nagtungo sa Quiapo noong Enero 9.

Coco Martin, nakiisa pa rin Translacion 2023 kasama ng libo-libong kapwa deboto
Coco Martin (@cocomartin_ph)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na maagang nagtungo si Coco kasama rin ang team ng 'FPJ's Batang Quiapo' para sa unang shooting day nila.

"Saludo at nagpapasalamat ako sa sipag at galing ng mga kapamilya ko sa Batang Quiapo. Ito po ang aming unang taping sa Traslacion 2023," ang caption sa kanyang social media post.

Read also

Xian Gaza, pinabulaanang klepto siya; "That's not me, 100% fake news"

Subalit noon pa man, matatandaang deboto na talaga si Coco ng Black Nazarene na labis din niyang pinasasalamatan sa labis-labis na biyayang kanyang natatamo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Walang hanggang pasasalamat po sa Poong Jesus Nazareno sa lubos na biyaya, pagmamahal at pag gabay sa akin at sa aking buong pamilya. Higit pa sa aking hiniling noon ang binigay niyo sa akin ngayon,” ani Coco.

Sa isang panayam sa kanya noong 2016, matatandaang naikwento niya ang iba't ibang karanasan niya sa pagdalo ng taunang Translacion.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Kaya ko ba ‘to?’ Noong ginawa na namin ‘yun, hindi ko maipaliwanag. Sabi ko nga, first time kong naramdaman na lumangoy ako sa libu-libong tao hanggang sa nahawakan ko ‘yung Nazareno," ayon sa bibida sa bagong FPJ teleserye.

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon.

Read also

Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

Wala mang pag-amin, subalit si Coco ang umano'y nakabihag sa puso ng isa ring Kapamilya actress na si Julia Montes. Makailang beses na ring napabalitang nagbuntis si Julia subalit nanatiling tahimik ang panig nila sa isyung ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel