Zeinab Harake, fan girl kina Dingdong at Marian; "My forever lodi, My Marimar"

Zeinab Harake, fan girl kina Dingdong at Marian; "My forever lodi, My Marimar"

- Fan girl si Zeinab Harake nang makasama niya si Marian Rivera at mister nitong si Dingdong Dantes

- Makikita sa kanilang larawan na talagang niyakap pa si Zeinab ng kanya umanong idolo na si Marian Rivera

- Masaya rin siyang nakakuha ng larawan kasama si Dingdong kaya naman ang captio ng kanilang pistures ay "Finally my dongyan heart"

- Sa pagtatapos ng 2022, ibinahagi ni Zeinab Harake ang mga natutunan niya sa maraming pagsubok na hinarap niya noong nagdaang taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Fangirling si Zeinab Harake nang makasama niya sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Zeinab Harake, fan girl kina Dingdong at Marian; "My forever lodi, My marimar"
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na idolo umano ni Zeinab si Marian na tinawag pa niyang 'My Marimar.' forever lodi rin niya umano ang Kapuso actress.

"My forever lodi, My marimar i love you so so much @Marian," ang caption niya sa post

Read also

Vilma Santos, aminadong ayaw pa niyang mag-asawa ang anak na si Ryan Recto

"Finally my dongyan heart," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang mga larawan na ibinahagi mismo ni Zeinab sa kanyang Facebook page.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Naiabahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersya.

Ilan dito ay ang hiwalayan nila ng dating partner at ama ng anak niyang si Bia na si Skusta Clee. Halos kasabay din nito ang pagsasapubliko ni Zeinab ng pagkawala ng kanya sanang ikalawang baby na napangalanan pa niyang si 'Moon.'

Read also

Cristy, minsan na umanong nasita si Alex; "Morgue ba ito? Nagpapa-makeup nakahiga"

Naroon ding balutin ng intriga ang kanyang buhay dahil sa rebelasyon 'di umano sa kanya ng kapwa vlogger na si Wilbert Tolentino.

Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niyang ito, ay makikitang maayos pa ring natapos ang taong 2022 para kay Zeinab. Bukod sa patuloy na pagkakaroon ng blessings tulad ng bagong bahay at sasakyan, nadagdagan ang malalapit na kaibigan sa katauhan ni Ivana Alawi na nakasama muli niya sa kanyang mga vlog bilang kanya umanong twin sister.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel