Cristy, minsan na umanong nasita si Alex; "Morgue ba ito? Nagpapa-makeup nakahiga"

Cristy, minsan na umanong nasita si Alex; "Morgue ba ito? Nagpapa-makeup nakahiga"

- Sa hindi pa rin humuhupa na cake issue ni Alex Gonzaga, binalikan ni Cristy Fermin ang ilang insidente na nakasama niya ito

- Matatandaang nakatrabaho ni Cristy si Alex sa programang Juicy kung saan may ilang karanasan na raw ito sa ugali ng TV host/ actress

- Aniya, nagpapa-makeup daw ito ng nakahiga, dahilan para mahirapan ang makeup artist nito

- Humingi siya ng permiso sa kanilang executive producer para masabihan na noon si Alex sa palagian nitong ginagawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa si Cristy Fermin sa mga nagbahagi ng kanyang karanasan nang makatrabaho nito ang kontrobersyal na celebrity ngayon na si Alex Gonzaga.

Cristy, minsan na umanong nasita si Alex; "Morgue ba ito? Nagpapa-makeup nakahiga"
Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa rin umano si Cristy sa saksi ng pagiging late ni Alex ngunit hindi lamang ito ang naging problema nila ng mga katrabaho nila noon sa programang Juicy.

Read also

Alex, tinaggihan ang suggestion ng netizen na magpa-cake para sa kanyang Ate Toni

"Ang pinakamatindi po talaga bukod sa pagiging late niya ay yung nakikita ko po siyang late na late nang dumarating hindi kami nakakapag-roll dahil wala nga siya, cause of delay."

"Ilang beses ko po siyang nakikitang nagpapa-makeup nang nakahiga... Nakaluhod ang kanyang makeup artist na si Noel," pagbabalik-tanaw ni Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kung minsan naman meron siyang silya e, director's chair. Halos ibuyangyang na niya 'yung kanyang ulo hirap din siyempre ang makeup artist kapag hindi nakaupo ng diretso ang kanyang ginagawa," dagdag pa nito.

Kaya naman bilang isa na rin sa mga haligi ng showbiz, humingi pa rin ng permiso si Cristy sa kanyang Executive Producer na kausapin o masabihan na si Alex gayung napapansin niyang talagang nahihirapan na ang mga makeup artist nito.

"Humingi ako sa kanya ng permiso na magsalita ako ang sabi ko talaga, andudon si Alex nakahiga, na akala mo bangkay sa mogue na mini-makeup-an ng kanyang makeup artist sabi ko, ano 'to? Morgue ba ito? Nakahiga ka diyan, hindi ka naaaawa sa makeup artist mo na nakaluhod at inaabot ka, bino-blower ka. Hirap na hirap. Hindi na pwede ito," ani Cristy.

Read also

Alex Gonzaga, lasing sa cake-smearing incident ayon sa source ni Ogie D

Bukod pa rito, ipinatanggal na rin umano nila ang lahat ng maaring mahigaan ni Alex tuwing ito ay nagpapa-makeup.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel niyang Showbiz Now Na!:

Si Alex Gonzaga ay isang komedyante, host at vlogger ng Pilipinas. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Kasalukuyang trending si Alex sa Twitter dahil sa nagawa nito sa isang waiter sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan kamakailan.

Kamakailan ay nagkausap na sina Alex, nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y naagrabiyado.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Update kamakailan, pinaalalahanan din ni Ogie Diaz si Alex na maging conscious sa ikinikilos nito lalo na kung may nakatutok umano sa kanyang camera o mayroong naka-live stream sa kanyang mga kasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel