Alex Gonzaga, lasing sa cake-smearing incident ayon sa source ni Ogie D

Alex Gonzaga, lasing sa cake-smearing incident ayon sa source ni Ogie D

- Malaki umano ang posibilidad na lasing na nga si Alex Gonzaga nang maganap ang pamamahid nito ng icing ng kanyang cake sa isang waiter

- Pansin din ito ng netizens gayundin ng ilang mga kasama niya sa showbiz

- Ani Ogie Diaz, sakaling totoo na lasing si alex noon, naiintindihan naman niya gayung pagdiriwang ito ng kanyang kaarawan

- Ayon pa sa malalpit sa Tv host/actress, minsan lang naman daw talaga itong makainom

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga ispekulasyon ng publiko sa nag-viral na video ni Alex Gonzaga ay ang posibilidad na nakakainom ito ng alak.

Alex Gonzaga, lasing ng makunan ang cake incident ayon sa source ni Ogie D
Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa tinalakay sa Ogie Diaz Showbiz Update kung saan ayon sa source ni Ogie D ay 'tipsy' na si Alex nang mangyari ang pamamahid nito ng icing sa waiter na may dala ng kanyang cake.

Read also

Alex, tinaggihan ang suggestion ng netizen na magpa-cake para sa kanyang Ate Toni

"Kaya nung hihipan na niya 'yung cake, tipsing-tipsy na itong si Alex...'Yun ang sabi"

Pansin din umano ito ng ibang netizens at maging ang ilang celebrities tulad ni DJ Mo Twister ay ito rin ang nakita sa sitwasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kahit nga si DJ Mo Twister 'di ba, feeling niya drunk si Alex. 'drunk, stupid narcissist," ani Ogie D.

Gayunpaman, naiintindihan naman umano ni Ogie D ang TV/ host actress gayung birthday celebration niya ito.

"Ako, gusto kong intindihin si Alex na talagang lasing si Alex kasi minsan lang daw talaga uminom si Alex lalo na at birthday niya yoon."

Tila pinagsisihan na rin naman umano ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga ang pangyayaring ito.

"Umiyak din sa ilang friends itong si Alex Gonzaga dahil nga hindi naman daw niya 'yun na hindi naman sa hindi niya sinasadya, hindi niya intensyon na saktan 'yung damdamin ng waiter," pahayag ni Ogie D.

Read also

Cristy, minsan na umanong nasita si Alex; "Morgue ba ito? Nagpapa-makeup nakahiga"

Si Alex Gonzaga ay isang komedyante, host at vlogger ng Pilipinas. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Kasalukuyang trending si Alex sa Twitter dahil sa nagawa nito sa isang waiter sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan kamakailan.

Kamakailan ay nagkausap na sina Alex, nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y naagrabiyado.

Samantala, sa naturang episode din ng Showbiz Update, pinaalalahanan din ni Ogie Diaz si Alex na maging conscious sa ikinikilos nito lalo na kung may nakatutok umano sa kanyang camera o mayroong naka-live stream sa kanyang mga kasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel