Alex, tinaggihan ang suggestion ng netizen na magpa-cake para sa kanyang Ate Toni

Alex, tinaggihan ang suggestion ng netizen na magpa-cake para sa kanyang Ate Toni

- May sagot si Alex Gonzaga sa isang netizen na nag-suggest na magpa-cake ito para sa kanyang Ate Toni

- Ito ay matapos niyang i-congratulate si Toni sa umano'y successful aaniversary concert nito

- Halos hindi pa umano humupa ang kinaharap na issue ni Alex Gonzaga sa pagpahid umano nito ng icing ng kanyang cake sa waiter na nagdala nito

- Ito ay sa kabila ng personal na paghingi ng tawad sa waiter na pinangalanang si Allan Crisostomo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na nakapagbigay ng sagot si Alex Gonzaga sa isang netizen na nag-suggest na magpa-cake ito para sa kanyang Ate Toni Gonzaga.

Alex, tinaggihan ang suggestion ng netizen na magpa-cake para sa kanyang Ate Toni
Toni And Alex Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa isang social media post, binati ni Alex si Toni sa umano'y naging successful concert nito sa Araneta Coliseum sa araw ng kanyang kaarawan noong Enero 20.

Read also

Cake issue ni Alex, napag-usapan sa concert ni Toni G: "Nagbago na ako teh"

Dito nagkomento ang netizen ng "dapat may pa cake din diyan," na sinagot naman ni Alex ng "Naglalalayo na ako sa mga cake."

Matatandaang kamakailan, talagang gumawa ng ingay ang pangalan ni Alex nang lumabas ang video sa kanyang birthday celebration kung saan nagawa niyang pahiran ng icing sa noo ang waiter na may hawak ng kanyang cake.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umani ito ng iba't ibang reaksyon sa netizens at karamiha'y hindi nagustuhan ang kanyang ginawa.

Maging ang mga dati umano niyang mga nakatrabaho ay naglabas ng kani-kanilang pahayag ukol umano sa ugali ni Alex na hindi raw kagandahan.

Samantala, narito ang naturang post na ibinahagi rin ng Pilipino Star Ngayon Digital:

Sa bagong episode ng Showbiz Update channel ni Ogie Diaz, idinetalye nito kung paano lumabas ang maiksing video ni Alex at sa umano'y insident ng pamamahid nito ng icing ng kanyang cake sa waiter.

Read also

Cristy, minsan na umanong nasita si Alex; "Morgue ba ito? Nagpapa-makeup nakahiga"

Ayon sa source ni Ogie D, si Dani Barretto ang nag-post ng video bilang kanyang story sa Instagram. Sinasabing, ang mister ni Dani ang talagang imbitado sa kaarawan ni Alex na DJ ng gabing iyon. Sa tuwaraw nito marahil, nakunan ng video ni Dani ang naging kontrobersyal na insidente at kanyang na-post subalit nabura rin agad.

Dagdag pa ng source ni Ogie, talagang nag-iiiyak din si Dani sa nangyari gayung siya umano ang pinanggalingan ng nasabing video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel