Cake issue ni Alex, napag-usapan sa concert ni Toni G: "Nagbago na ako teh"

Cake issue ni Alex, napag-usapan sa concert ni Toni G: "Nagbago na ako teh"

- Napag-usapan nina Toni at Alex Gonzaga ang kontrobersyal na cake issue nito kamakailan

- Sa Anniversary concert ni Toni, naging biruan na nila ang tila hindi pa humuhupang issue ni Alex sa pamamahid ng icing ng cake sa isang waiter

- Ani Toni, inilayo na nila ang lahat ng kanyang birthday cake kay Alex

- Samantala, matatandaang humingi na umano ng patawad si Alex sa waiter na nakilalang si Allan Crisostomo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa mismong 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Araneta Coliseum noong Enero 20, napag-usapan nila ng kapatid na si Alex ang cake issue nito kamakailan.

Cake issue ni Alex, napag-usapan sa concert ni Toni G: "Nagbago na ako teh"
Toni and Alex Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na matapos ang dance number ni Alex, nagbiruan ang magkapatid patungkol sa kontrobersyal na video ni Alex na kitang-kitang namahid ng icing ng kanyang cake sa waiter na nagdala nito.

Read also

Alex, tinaggihan ang suggestion ng netizen na magpa-cake para sa kanyang Ate Toni

"Nakita mo, birthday ko. Wala, nilayo namin lahat ng cake sa'yo," ani Toni na tatlong araw daw nilang pinag-usapan ang naturang issue dahilan para maging tatlong araw ding trending si Alex sa Twitter.

"'Yan po ang pinakapinag-iiwasan ko ngayon mga cake. So magbigay ka na sa'kin ng panis na pagkain... Talagang lumalayo na ako diyan," sagot naman ni Alex.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman sa susunod na birthday ni Alex, wala na raw talagang cake.

"Ice cream, bilo-bilo... Nagbago na ako tih. I'm a church person," sagot naman ng kapatid ni Toni.

Nito lamang January 18, lumabas ang larawan ni Alex at ng waiter na nakilalang si Allan Crisostomo. Ito ay ayon sa isang pirmadong pahayag ni Allan na "okay na sila" ni Alex na humingi na ng dispensa sa kanya sa nangyari.

Read also

Cristy, minsan na umanong nasita si Alex; "Morgue ba ito? Nagpapa-makeup nakahiga"

Samantala, narito ang video na kuha mula sa concert ni Toni na ibinahagi ni @reagandako_dvaaah:

Samantala, sa bagong episode ng Showbiz Update channel ni Ogie Diaz, idinetalye nito kung paano lumabas ang maiksing video ni Alex at sa umano'y insident ng pamamahid nito ng icing ng kanyang cake sa waiter.

Ayon sa source ni Ogie D, si Dani Barretto ang nag-post ng video bilang kanyang story sa Instagram. Sinasabing, ang mister ni Dani ang talagang imbitado sa kaarawan ni Alex na DJ ng gabing iyon. Sa tuwaraw nito marahil, nakunan ng video ni Dani ang naging kontrobersyal na insidente at kanyang na-post subalit nabura rin agad.

Dagdag pa ng source ni Ogie, talagang nag-iiiyak din si Dani sa nangyari gayung siya umano ang pinanggalingan ng nasabing video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel