Vilma Santos, aminadong ayaw pa niyang mag-asawa ang anak na si Ryan Recto

Vilma Santos, aminadong ayaw pa niyang mag-asawa ang anak na si Ryan Recto

- Naitanong ni Vilma Santos kay Cong. Ralph Recto kung handa na daw ba ito sakaling magpakasal na ang anak nilang si Ryan Recto

- Agad naman sumagot ang mister niya na ayos lang umano sa kanya na ikinagulat naman ni Ate Vi

- Agad siyang nag-react at nagsabing hindi pa muna habang si Ryan naman ay natatawa na lang sa reaksiyon ng kanyang ina

- Sa kanyang pinakabagong vlog, pinagdiriwang nina Ate Vi at Cong. Recto ang kanilang ikatatlumpong wedding anniversary

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Vilma Santos na hindi pa siya handa na mag-asawa ang anak nila ni Cong. Ralph Recto na si Ryan Recto. Sa kanyang pinakabagong vlog, naitanong ni Ate Vi kay Cong. Recto ang tungkol dito.

Vilma Santos, aminadong ayaw pa niyang mag-asawa ang anak na si Ryan Recto
Vilma Santos, aminadong ayaw pa niyang mag-asawa ang anak na si Ryan Recto (@rosavilmasantosrecto)
Source: Instagram

Sa kanilang pagdiriwang ng 30th wedding anniversary, ginawa ng mag-asawa ang video kung saan sinagot nila ang mga katanungan nila sa isa't-isa. Kasama din nila ang anak nilang si Ryan sa naturang vlog.

Read also

Zeinab Harake, fan girl kina Dingdong at Marian; "My forever lodi, My Marimar"

Isa nga sa naitanong ni Ate Vi ay kung handa na daw ba si Cong. Recto na magpakasal si Ryan. Ayos lang umano kay Cong. Ralph kung mag-asawa na ito. Tila hindi naman ito inasahan ni Ate Vi at agad siyang sumagot ng hindi pa daw dapat. Aniya, 26 pa lang naman daw ang kanyang anak.

Hirit naman ni Cong. Ralph basta siya pakakasalan niya uli si Ate Vi.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vilma Santos ay isa sa mga pinagpipitagang at batikang aktres sa Pilipinas. Ilang taon na rin siyang nanunungkulan bilang public servant. Sa kasalukuyan siya ay nanunungkulan bilang Representative for the Lone District of Lipa, Batangas. Ikinasal siya sa Senador na si Ralph Recto at anak niya ang TV host na si Luis Manzano.

Sa kanyang vlog, nakasama ni Vilma ang kanyang dalawang anak. Itinuturing daw niya na kanyang dalawang pinakamahahalagang trophy ang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto. Sumalang sa "Jojowain o totropahin” challenge ang dalawa. Marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagkakaiba sa pag-uugali sa dalawang anak ni Ate Vi. Kung si Luis ay palabiro at maloko, si Ryan naman umano ay mukhang mahiyain at reserved.

Read also

Cristy, sinabing maraming beses nang nagpapadala ng pagkain si Sarah sa ina

Hindi naman maipagkaila ni Ate Vi na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel