Cristy, hanga sa dami ng natutulungan ni Coco: "Kulang na lang magpatayo ng bahay ampunan"

Cristy, hanga sa dami ng natutulungan ni Coco: "Kulang na lang magpatayo ng bahay ampunan"

- Bilib umano si Cristy Fermin sa dami ng natutulungan ni Coco Martin

- Ito ay mapapansin sa cast ng kanyang teleseryeng FPJ Batang Quiapo

- Ani Cristy, kulang na lang ay magpatayo umano ng bahay ampunan si Coco

- Ibinahagi rin ni Cristy na si Raul Dillo na madalas gumanap bilang malaking tao o kapre ang bagong matutulungan ni Coco

Muli na namang napuri ni Cristy Fermin si Coco Martin sa dami umano ng mga taong natutulungan nito.

Cristy, hanga sa dami ng natutulungan ni Coco: "Kulang na lang magpatayo ng bahay ampunan"
Coco Martin (FPJ Batang Quiapo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga napag-usapan nila nina Romel Chika at Wendell Alvarez sa episode nila ng Showbiz Now Na! ngayong Marso 26.

"Nakakatuwa itong kwento kay Coco Martin. Alam mo, kulang na lang sa kanya magpatayo ng bahay ampunan," ani Cristy.

Marami na raw talaga ang natulungan ni Coco Martin at ang karamihan sa mga ito ay mapapanood din sa FPJ Batang Quiapo.

Read also

Coco Martin, napuri ni Cristy Fermin; naihalintulad kay FPJ

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa na rito ang taxi driver na mayroon umanong Tourette syndrome at hindi pagkatiwalaan basta ng mga tao dahil sa kondisyon nito.

"Mayroong isang taxi driver na ayaw pagkatiwalaan ng mga pasahero. Dahil alam mo 'yun, nanginginig siya. Natatakot 'yung mga pasahero na baka mamaya e mabangga sila. Kinuha niya, inampon niya para sa Batang Quiapo. Sa Batang Quiapo, binigyan niya ng role na kunwari e nagtitinda sa simbahan," pagbabahagi ni Cristy.

At ang pinakabagong matutulungan umano ni ay ang madalas na gumanap na kapre o malaking tao dahil sa taas nitong halos pitong talampakan na si Raul Dillo.

"At saka may isa pa. Dati na natin siyang napapanood sa pelikula at telebisyon. Gumaganap na kapre, seven footer. Pero dumating na siya sa puntong wala na siyang pantustos sa kanyang mga anak. Ni hindi na niya mapag-aral halos. Kapos na kapos sa buhay. Nanawagan siya. Kinuha siya ng production. Nakarating sa production at kay Coco 'yung kanyang panawagan itong si Raul Dillo."

Read also

Ogie Diaz sa KathNiel: "Marami raw hawak na resibo si Kathryn"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang serye, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.

Matatandaang naikwento ni Coco Martin sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano na nabigyan na umano niya ng kanya-kanyang bahay at kanya-kanyang negosyo ang apat pa niyang mga kapatid. Ang dalawa pa sa mga ito ay bahagi na rin ng FPJ Batang Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel