Coco Martin, napuri ni Cristy Fermin; naihalintulad kay FPJ

Coco Martin, napuri ni Cristy Fermin; naihalintulad kay FPJ

- Napuri ni Cristy Fermin ang kabutihan ng aktor na si Coco Martin

- Naihalintulad niya ito kay 'Da King' Fernando Poe Jr. noong ito umano'y nabubuhay pa

- Hindi umano matatawaran ang kabaitan at pagmamalasakit nito sa mga taong kanyang nakakatrabaho

- Kaya naman hindi raw kataka-takang umaapaw ang biyaya kay Coco dahil marunong itong magbahagi

Aminado si Cristy Fermin na kahanga-hanga umano ang ipinakitang pag-uugali ni Coco Martin.

Coco Martin, napuri ni Cristy Fermin; naihalintulad kay FPJ
Coco Martin (@cocomartin_ph)
Source: Instagram

Likas umano itong matulungin at may malasakit sa tao lalo na iyong higit na nangangailangan.

Dahil dito, naihalintulad ni Cristy si Coco sa namayapang King of Philippine movies na si Fernando Poe Jr.

"Kasi kung ano yung alam nating ginagawa ni Tito Ronnie noon, parang ganun din si Coco ngayon sa totoo lang"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Baron, inaming may isa pang anak na babae: "Kaya naka-relate ako kay Rustin sa Doll house"

Dahil dito, hindi umano kataka-taka kung bakit umaapaw ang biyaya kay Coco.

"Kaya kita mo, napaka-blessed. Talagang binibiyayaan siya."

Tahimik lamang din umano ang pagtulong ni Coco na tila nagugulat na lamang ang mga kasama na siya na pala ang punong abala sa pag-aabot ng mga pangangailangan ng ilan nilang kasama kahit hindi pa nito sabihin.

Ito umano ang ilan sa mga katangian ni FPJ noong nabubuhay pa ito dahilan kung bakit marami ang nagmamahal sa kanya.

"Nakuha ni Coco Martin ang ugali ng the late FPJ. Kaya naman po kay Coco Martin, kami ay proud na proud sayo. At kami'y natutuwa dahil marunong kang bumalik sa iyong nakaraan. tumanaw ng utang na loob sa mga taong bumuo ng iyong mga pangarap."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang serye, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.

Read also

Ogie Diaz sa KathNiel: "Marami raw hawak na resibo si Kathryn"

Matatandaang naikwento ni Coco Martin sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano na nabigyan na umano niya ng kanya-kanyang bahay at kanya-kanyang negosyo ang apat pa niyang mga kapatid. Ang dalawa pa sa mga ito ay bahagi na rin ng FPJ Batang Quiapo.

Minsan na ring napuri ni Cristy Fermin ang pagiging matulungin ni Coco. Aniya, kulang na lamang ay magpatayo ito ng bahay ampunan sa dami umano ng natutulungan ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel