Baron, inaming may isa pang anak na babae: "Kaya naka-relate ako kay Rustin sa Doll house"

Baron, inaming may isa pang anak na babae: "Kaya naka-relate ako kay Rustin sa Doll house"

- Napaamin ni Ogie Diaz si Baron Geisler patungkol sa isa pa nitong anak na babae

- Ito umano ang dahilan bakit siya naka-relate sa karakter niyang si Rustin sa Doll House

- Nakilala na rin umano ito ng kanyang misis na si Jamie na siyang nagpaalala pa ng mga dapat niyang gawin sa unang pagkikita nila

- Kwento pa ni Baron, masaya siyang maayos na napalaki ang kanyang anak ng Mama at Papa nito

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Baron Geisler, napaamin ito na mayroon pa siyang isang nakatatandaang anak na babae.

Baron, naming may isa pang anak na babae: "Kaya naka-relate ako kay Rustin sa Doll house"
Baron Geisler (@baron.geisler)
Source: Facebook

Ani Baron, ito umano ang pinaghugutan niya ng karakter na si Rustin sa pumatok na Netflix movie niya na 'Doll House'

"I have someone out there... Another one. I hope someday when things are okay, we'll get to talk with her here, Hi anak! Kumusta?" pag-amin ni Baron.

Read also

Piolo Pascual, sa mga kaibigang sinusubok ang relasyon: "I don't want to intrude"

Aminado siyang halo ang emosyong nararamdaman niya gayung lumaki ang anak na hindi kapiling.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Happy ako na lumaki siyang hindi niya naranasan 'yung kapangitan ng ugali ko. Pero lonely and sad kasi I didn't get to hug her or see her grow up"

Isa umano ito sa rason kung bakit mahusay niyang nagampanan ang role sa Doll House na talagang hinangaan ng marami.

"Kaya naka-relate ako kay Rustin dun sa Doll house. 'Dun ako humugot. Kasi ang huling beses ko siyang nakita, five or six years old siya. And biglang dalaga na siya. Natuwa ako, naiyak ako nu'ung nag-reach out siya sa akin. Pero hindi ko pinakitang umiyak ako."

Naikwento niya kung paano sila unang nagkita at kung gaano siya ka-excited sa araw na iyon kung saan niregaluhan pa niya ito ng complete set ng alahas ng birth stone nito.

Read also

Miss World Botswana Lesego Chombo sa kanyang kababayan: "Please be kinder"

Nakilala na rin ito ng kanyang misis na si Jamie na siyang nagpaalala pa umano ng mga dapat niyang gawin sa pagkikita muli nila ng kanyang anak.

Gayunpaman, aminado rin si Baron na isa ang anak sa nag-aalala sa kanya sa tuwing mababalitaan nito ang ilang hindi magagandang bagay na umuugong ukol sa kanya.

"But nagalit siya sa akin. Sa mga nabalitaan niya, naging concerned siya na parang, 'Are you relapsing?'

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Baron mula sa Ogie Diaz Ispires YouTube channel:

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na aktor sa Pilipinas. Matatandaang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas dahil sa pandemya.

Isa rin sa patunay ng kahusayan niya sa pag-arte ay ang mga papuring natanggap niya sa pagganap sa pelikulang Dollhouse. Marami ang napabilib kay Baron at kumbinsido sa husay niya sa kanyang larangan kaya naman ganoon na lamang din ang kanyang pasasalamat sa mga tao.

Read also

Ogie, sa nasagap na 2022 pa umano sina Xian at Iris: "Baka magkaibigan lamang sila noon"

Matatandaang naging kontrobersyal si Baron bago matapos ang taong 2023 sa pag-aakala ng marami na nakainom itong nagtungo sa media con ng Senior High. Inalam ni Ogie Diaz kung may katotohanan umano ang alegasyong ito lalo na at minsang napabalita noon ang tungkol sa alcohol addiction ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel