Ogie D, dinipensahan si Baron Geisler: "They made sure na hindi nakainom si Baron"

Ogie D, dinipensahan si Baron Geisler: "They made sure na hindi nakainom si Baron"

-Dinipensahan umano ni Ogie Diaz si Baron Geisler sa mga nakapansing tila nakainom daw ito sa mediacon ng Senior High

- May kabagalan daw umanong magsalita ang aktor na minsan nang nagkaroon ng problema sa kanyang pag-iinom

- Gayunpaman, sinabi ni Ogie na sa kanyang pagkakaalam ay tumigil na umano sa pag-iinom ang aktor na siyang nakaapekto sa career niya noon

- Muling mapapanood sa telebisyon si Baron sa bagong seryeng pagbibidahan ni Andrea Brillantes ang Senior High

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Ogie Diaz ang aktor na si Baron Geisler na nahusgahan umano ng marami at inakalang nakakainom na dumalo sa presscon ng bagong seryeng Senior High.

Ogie D, dinipensahan si Baron Geisler: "They made sure na hindi nakainom si Baron"
Baron Geisler FB
Source: Facebook

Inalam ni Ogie kung may katotohanan umano ang alegasyong ito lalo na at minsang napabalita ang tungkol sa alcohol addiction niya noon.

Read also

Ogie Diaz sa viral song number ni Albie sa Mutya Ng Cotabato: "Hindi naman daw lasing"

"Sabi sa akin ng isang staff, they made sure na hindi nakainom si Baron," pagbabahagi ni Ogie.

'"Yung asawa ni Baronm si Jamie. Sobrang tutok niyan kay Baron. Kaya lang yung bagal, yung lumanay yung hina ng boses ni Baron tapos may ligoy ng konti, 'yun lang ang pinagtatakhan ng iba. E sana nga, 'yung time na 'yun hindi nakainom si Baron. At ganoon lang din siya talaga."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na aktor sa Pilipinas. Matatandaang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas dahil sa pandemya.

Isa rin sa patunay ng kahusayan niya sa pag-arte ay ang mga papuring natanggap niya sa pagganap sa pelikulang Dollhouse. Marami ang napabilib kay Baron at kumbinsido sa husay niya sa kanyang larangan kaya naman ganoon na lamang din ang kanyang pasasalamat sa mga tao.

Read also

Cristy Fermin, sinabing alam daw ni Gabby Concepcion ang dahilan ng pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie

Matatandaang naging kontrobersyal si Baron dahil sa umano'y pagtatapos nito ng kurso sa theology. Marami raw kasi ang napataas umano ang kilay na imbis na maging masaya para sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel