Baron Geisler, pinasalamatan ang mga pumuri sa kanya at tumangkilik sa 'Doll House'

Baron Geisler, pinasalamatan ang mga pumuri sa kanya at tumangkilik sa 'Doll House'

- Labis-labis ang pasasalamat ni Baron Geisler sa mga nagbigay puri sa pagganap niya sa Netflix movie na 'Doll House'

- Kamakailan ay nagtrending umano ang acting niya na maging ang mga kapwa niya artista ay napaiyak daw dahil sa pelikula

- Marami rin ang bumati sa husay ng iba pang mga gumanap sa pelikula kaya naman lalong dumarami ang mga nanonood nito

- Sa ngayon, number one sa Netflix Philippines ang naturang pelikula na nagbigay aral sa inspirasyon sa marami

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Baron Geisler ang lahat ng tumagkilik sa kanilang bagong pelikula na mapapanood sa Netflix, ang 'Doll House.'

Baron Geisler, pinasalamatan ang mga pumuri sa kanya at tumangkilik sa 'Doll House'
Baron Geisler (@barongeisler)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na umani ng papuri ang inaasahang husay sa pag-arte ni Baron na gumanap bilang "Rustin/Clyde" sa nasabing pelikula.

Sa panayam sa kanya ng Ogie Diaz Showbiz Update, aminado si Baron na hindi niya inaasahan ang labis na pagmamahal na kanyang natatanggap lalo na sa mga nakapanood ng 'Doll House.'

Read also

Vice Ganda, sinubukang maging PA ni Regine Velasquez para sa kanyang vlog

"Napaka-grateful po, I praise God for all the blessings. Kasi unexpected po ito no, na hindi ko akalain na biglang magja-jump from number two to number one, tapos magwa-one week na po tayong number one sa Philippines," ani Baron.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Gusto ko lang magpasalamat sa Mavx Productions, sa mga tao sa industriya natin na hindi nag-give up sa akin kasi tamang-tama ang tema ng pelikulang ito. It's all about second chances, forgiveness, unconditional love, and authenticity. Andami kong natutunan sa pelikulang ito," dagdag pa niya.

Ang Doll House ay tungkol sa isang ama na nabigyan ng pagkakataong makasama ang anak na nawalay sa kanya dala ng kanyang bisyo at ibang proyoridad sa buhay.

Sinasabing mas nabigyang hustisya ni Baron ang kanyang karakter sa proyektong ito dahil sa hindi ito nalalayo sa sarili niyang mga pinagdaanan.

Read also

Sunshine Cruz, nakiusap sa isang netizen na huwag i-flood ng negativity ang page niya

"'Yung mga nagawa ni Clyde, 'yung difference namin si Clyde, hindi nagka-second chance para maka-connect talaga sa anak niya. Pero ako ngayon, blessed with a beautiful wife and three kids."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na aktor sa Pilipinas. Matatandaang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas dahil sa pandemya.

Kamakailan lamang ay naging kontrobersyal si Baron dahil sa umano'y pagtatapos nito ng kurso sa theology. Marami raw kasi ang napataas umano ang kilay na imbis na maging masaya para sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel