Baron Geisler, pinagsisihan ang pagmamaltrato noon sa mga kasambahay

Baron Geisler, pinagsisihan ang pagmamaltrato noon sa mga kasambahay

- Matapang na naibahagi ni Baron Geisler ang umano'y pagmamaltrato niya sa kanilang kasambahay

- Lalo na raw umano sa kanilang mga driver at boy noon na kanya umanong napapag-tripan

- Hiling niya na sana'y napatawad na siya ng bawat isa sa mga ito

- Sa ngayon, maayos na namumuhay si Baron kasama ang kanyang pamilya na malaki umano ang naitulong sa kanyang pagbabagong buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naibahagi ni Baron Geisler na pinagsisisihan niya talaga ang umano'y pagmamaltrato niya sa mga naging kasambahay noon.

Nalaman ng KAMI na bahagi ng pagkakalulong sa mga bisyo noon ng aktor ay ang mga hindi magandang bagay na nagagawa niya sa kasambahay lalo na sa mga naging driver at boy nila.

Sa panayam sa kanya ng 'Stories of Hope' ng GMA kay Baron, humingi siya ng kapatawaran sa nagawa niyang pagmamalupit sa mga ito.

Read also

K Brosas, emosyonal na ibinahagi ang dinanas na anxiety attacks dahil sa panloloko sa kanya

Baron Geisler, pinagsisihan ang pagmamaltrato noon sa mga kasambahay
Baron Geisler (@baron.geisler)
Source: Instagram
"Hanggang ngayon pala naiisip ko 'yung pagmamaltrato ko sa mga kasambahay namin, lalo na sa mga driver at boy namin."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sana mapatawad nila ako lahat," pagsisisi ng aktor.

Matatandaang dumaan sa maraming pagsubok si Baron lalo na nang makailang beses siyang mapasok sa rehab. Isa umano ito sa dahilan kung bakit nawawalan siya ng proyekto sa showbiz.

Aminado ang aktor na apektado ang kanyang career noon at nilarawan niyang tila 'cycle' na paulit-ulit na lamang ang mga hindi magagandang nangyayari sa kanya.

Sa tulong ng kanyang misis na si Jaymee at ng pagmamahal niya sa anak nilang si Talitha, tuluyan nang nagbago ang buhay ng aktor na tatlong taon nang 'sober.'

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na artista sa Pilipinas. Kamakailan lamang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas ngayon dahil sa pandemya.

Read also

Madam Inutz, masayang ibinahaging nagkaroon ng bagong recliner ang kanyang ina

Isa si Baron sa mga aktor na gaganap sa 'Barumbadings' na pelikula ni Darryl Yap. Makakasama niya rito sina Mark Anthony Fernandez at Jeric Raval.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan natin sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel