Vice Ganda, sinubukang maging PA ni Regine Velasquez para sa kanyang vlog

Vice Ganda, sinubukang maging PA ni Regine Velasquez para sa kanyang vlog

- Sa vlog ni Vice Ganda, sinubukan niyang maging personal assistant ni Regine Velasquez habang nasa trabaho ito sa ASAP

- Kinaaliwan ng netizens at viewers niya ang kwelang mga hirit niya habang nakikipagbiruan hindi lamang kay Regine kundi sa iba pang mga artista

- Siya ang nagbitbit ng mga gamit ni Regine at naipakita sa kanyang vlog ang naging rehearsal bago ang live na pag-ere ng ASAP

- Marami ang natuwa na makitang magkasama sa isang vlog sina Regine at Vice na hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pagiging malapit nila sa isa't-isa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging personal assistant for a day si Vice Ganda kay Regine Velasquez sa binahaging bagong vlog ni Vice sa kanyang YouTube channel. Kinaaliwan ng netizens at viewers niya ang kwelang mga hirit niya habang nakikipagbiruan hindi lamang kay Regine kundi sa iba pang mga artista.

Read also

CEO na si Miss Glenda, excited nang ipakita ang mabibiling bahay sa US

Vice Ganda, sinubukang maging PA ni Regine Velasquez para sa kanyang vlog
Vice Ganda, sinubukang maging PA ni Regine Velasquez para sa kanyang vlog (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Kagaya ng isang tunay na PA, si Vice ang tagabitbit ng gamit ni Regine. Pinasuotan pa niya ito ng sapatos. Naipakita sa kanyang vlog ang naging rehearsal bago ang live na pag-ere ng ASAP.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel