CEO na si Miss Glenda, excited nang ipakita ang mabibiling bahay sa US

CEO na si Miss Glenda, excited nang ipakita ang mabibiling bahay sa US

- Binahagi ni Miss Glenda Victorio ang ilang pictures nilang mag-asawa habang nasa open house para sa plano nilang bumili ng bahay nila sa US

- Ayon kay Miss Glenda, sampung taon na ang nakalipas nang magtrabaho siya sa mga realtor sa Amerika sa pamamagitan ng freelancing platform

- Kahit wala pa siya sa legal na edad ay nakapagtrabaho na siya at kumikita ng dolyar noon

- Kaya naman, masaya siya na matapos ang sampung taon ay sila na mismo ang nakatakdang bumili ng bahay nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Miss Glenda Victorio, ang CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc. dapat ay patuloy lang na mangarap at laging maging humble. Sa kanyang post, binahagi ni Miss Glenda ang pictures nilang mag-asawa habang nasa open house para sa plano nilang bumili ng bahay nila sa Amerika.

Read also

Baron Geisler, pinasalamatan ang mga pumuri sa kanya at tumangkilik sa 'Doll House'

CEO na si Miss Glenda, excited nang ipakita ang mabibiling bahay sa US
CEO na si Miss Glenda, excited nang ipakita ang mabibiling bahay sa US (@iammissglenda)
Source: Instagram

Naibahagi niyang sa kanyang murang edad ay nagsumikap siyang magtrabaho. Aniya, sampung taon na ang nakalipas nang magtrabaho siya sa mga realtor sa Amerika sa pamamagitan ng freelancing platform.

Abot-abot ang pasasalamat niya sa mga biyayang natatanggap nilang mag-asawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami naman sa kanyang followers ang bumilib at humanga kay Miss Glenda na naging CEO sa murang edad. Marami sa kanila ang nagsabing mas lalao silang naging inspiradong mangarap at magsumikap.

Si Glenda Victorio ay CEO ng skin care company na Brilliant Skin Essentials, Inc. Bukod sa pagiging CEO ay gumagawa din siya ng videos at YouTube content. Isa siya sa mga skin care product CEO na may maraming followers sa social media.

Matatandaang si Andrea Brillantes ang nakasama ng ni Miss Glenda sa kanyang binahaging video sa YouTube. Dito ay binalikan niya kung paano sila unang nagkakilala ni Andrea na siyang unang endorser ng kanyang mga produkto. Sa kabila ng mga negatibong komento ng mga bashers laban kay Andrea, naniniwala umano si Miss Glenda na hindi daw dapat kinakalimutan yung mga taong nagtiwala at nanjan nung walang-wala pa siya. Aniya, kahit noong nagsisimula pa lang ang kanyang negosyo ay hindi nag-atubili si Andrea na tanggapin ang alok na maging endorser ng kanyang produkto kahit sikat ang aktres dahil ito ay naganap noong sikat na sikat ang "Kadenang Ginto."

Read also

Sunshine Cruz, nakiusap sa isang netizen na huwag i-flood ng negativity ang page niya

Si Jillian Ward naman ang napiling bagong mukha para sa bagong produkto ni Miss Glenda. Sa kanyang social media post ay masaya niyang binahagi ang picture ng packaging ng bagong produkto. Nagpasalamat naman ang dalaga kay Miss Glenda sa pamamagitan ng kanyang pag-post sa Instagram story. Naging endorser na rin si Jillian ng naturang produkto ngunit ngayon lamang pormal na naging "Face of #PerfectlyBrilliant" matapos mailagay ang kanyang picture.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel