CEO ng Brilliant Skin, nanindigang hindi bibitawan si Andrea Brillantes
- Si Andrea Brillantes ang nakasama ng CEO ng Brilliant Skin sa kanyang binahaging video sa YouTube
- Dito ay binalikan niya kung paano sila unang nagkakilala ni Andrea na siyang unang endorser ng kanyang mga produkto
- Sa kabila ng mga negatibong komento ng mga bashers laban kay Andrea, naniniwala umano si Miss Glenda Victorio na hindi daw dapat kinakalimutan yung mga taong nagtiwala at nanjan nung walang-wala pa siya
- Aniya, kahit noong nagsisimula pa lang ang kanyang negosyo ay hindi nag-atubili si Andrea na tanggapin ang alok na maging endorser ng kanyang produkto kahit sikat ang aktres dahil ito ay naganap noong sikat na sikat ang "Kadenang Ginto"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Andrea Brillantes ay mananatiling endorser ng Brilliant Skin sa kabila ng mga negatibong komento ng kanyang mga bashers. Ayon kay Miss Glenda Victorio, CEO ng Brilliant Skin, naniniwala siyang hindi daw dapat kinakalimutan yung mga taong nagtiwala at nanjan nung walang-wala pa siya.
Sa kanyang bagong video na kinuhanan sa kanyang van, naibahagi ni Miss Glenda na una niyang nakita si Andrea sa seryeng "Kadenang Ginto." Bago pa man niya alukin si Andrea ay gumagamit na rin dw talaga ito ng kanyang produkto.
Kaya naman, nang magkausap sila ay pumayag si Andrea dahil aniya ay naniniwala talaga siya sa mga products ng Brilliant Skin. Pinasalamatan niya rin si Miss Glenda dahil napatayo niya ang kanyang bahay nang hindi siya masyadong nahirapan sa tulong na rin ng trabahong binigay sa kanya.
Ayon pa kay Miss Glenda, sa lahat ng kinaharap ng kanilang kompanya ay hindi sila iniwan ni Andrea.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa daming issues na kinaharap ng Brilliant Skin, nanatili siya sa tabi ko at patuloy kaming sinuportahan.
Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.
Matatandaang kamakailan ay hindi pinalampas ng kampo ni Andrea Brillantes ang umano'y pinapakalat na spliced video na mula sa kanyang vlog noong nakaraang taon. Ayon sa kanyang management, ginagamit umano ito sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto.
Kaugnay ito sa naging pahayag ni Andrea patungkol sa kanyang bashers. Sa kanyang ginawang video kung saan nagbasa siya ng hate comments, ibinahagi niya din ang kanyang pananaw at saloobin sa mga masasakit na komento sa kanya.
Source: KAMI.com.gh