Babae sa India na tila napagod na sa paghihintay kay "Mr. Right", pinakasalan na lang ang sarili

Babae sa India na tila napagod na sa paghihintay kay "Mr. Right", pinakasalan na lang ang sarili

- Agaw-eksena ngayon sa social media ang babae sa India na nagpakasal umano sa sarili

- Paliwanag niya, napagod na umano siyang maghanap ng lalaking para sa kanya

- Sinsabing umurong ang pari na siyang mamumuno sa seremonya dahil tila taliwas umano ito sa kanilang tradisyon at paniniwala

- Subalit itinuloy pa rin ang seremonya kaya naman tinagurian siyang pinakaunang 'sologamist' sa India

Gumulantang sa publiko si Kshama Bindu ng India dahil sa pagpapakasal umano niya sa kanyang sarili.

Babae sa India na tila napagod na sa paghihintay kay "Mr. Right", pinakasalan na lang ang sarili
Kshama Bindu (@ani_trending)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tila napagod na sa kakahanap ng kanyang Mr. Right si Kshama kaya naman naisipang gawin ito.

Sa ulat ng GMA News, Hunyo 11 talaga itinakda ang kasama ni Kshama. Subalit umurong na ang pari na magsagawa ng kasal maging ang templo kung saan sana gaganapion ito ay kinansela ang kanyang booking.

Read also

Skusta Clee, binahagi sa Twitter ang isang linya sa bagong kanta nila

Sa kabila ng mga aberya, itinuloy pa rin ang seremonya dahilan upang masabi na si Kshama ang pinakunang 'sologamist' sa India.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, suportado siya ng kanyang ina at mga kaibigan kahit 24-anyos pa lamang siya at marami pa sanang pagkakataon na maaring makilala na niya ang taong para sa kanya.

Sa ginawa niyang ito, hiling din ni Kshama na maging inspirasyon sa mga taong tila nagdududa nang makakita pa ng nakalaan para sa kanila.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento mula sa GMA News:

Sa kabila ng pandemya at patuloy na paglaganap ng COVID-19, marami ang hindi papigil at itinutuloy pa rin ang pag-iisang dibdib sa Pilipinas lalo na at karamihang bahagi ng ating bansa ay pawang nasa alert level 1 na lamang.

Kamakailan, agaw-eksena rin sa social media ang video ng isang pari na siyang nagkasal mismo sa kanya raw ex-girlfriend. Nakatutuwang inamin niya ito sa kasal na nilarawan niyang doon lamang siya pinagpawisan nang husto.

Read also

Cristy Fermin, sa pagpapagamot ni Kris Aquino sa Amerika; "Nagsalita na po ang espesyalista"

Kinagiliwan at hinangaan din ng marami ang isang kasalan na Php3,000 lang ang nagastos ng bride at groom sa kanilang wedding reception na ginanap sa Mang Inasal.

Gayundin ang isang bride na ayaw ng enggrandeng kasalan kaya naman niregaluhan na lamang siya ng kanyang groom ng 6000 sqm na lote.

Sa panahon ng pandemya, ilan lamang sila sa mga hindi nagpatinag sa virus at itinuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib. Siniguro lamang nila ang pagsunod sa safety protocols at tamang bilang ng mga panauhin.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel