Cristy Fermin, sa pagpapagamot ni Kris Aquino sa Amerika; "Nagsalita na po ang espesyalista"

Cristy Fermin, sa pagpapagamot ni Kris Aquino sa Amerika; "Nagsalita na po ang espesyalista"

- Nagbahagi si Cristy Fermin patungkol sa patuloy na pagpapagamot ni Kris Aquino

- Sinabing inilahad na ng Fil-Am na espesyalista ang nararapat na gawin sa tinaguriang 'Queen of All Media"

- Aniya, pumirma ng waiver si Kris na anuman ang mangyari sa kanya, walang ibang sisihin kundi siya

- Matatandaang halos isang linggo na ang nakalipas nang ilahad ni Kris ang mga kaganapan patungkol sa kanyang karamdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inilahad ni Cristy Fermina ang umano;y mga karagdagang impormasyon ukol sa pagpapagamot ni Kris Aquino sa Amerika.

Cristy Fermin, sa pagpapagamot ni Kris Aquino sa Amerika; "Nagsalita na po ang espesyalista"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Sa pinakabagong episode ng kanilang YouTube channel nina Romel Chika at Morly Alinio, naikwento ni Cristy na nilarawan niyang nakakatakot na pahayag ng Fil-Am na espesyalista ni Kris Aquino.

Aniya, hiniling ni Kris na magtapat ang mga ekspertong ito sa kanya sa kung ano na nga ba ang kanyang karamdaman.

Read also

Kylie Padilla, nabanggit na hiwalay na rin si Max Collins kagaya niya

"So nakalagay dun, kapag hindi nagpagamot pa si Kris Aquino sa lalong madaling panahon, napakaiksi na lamang ng oras na kanilang tatawirin"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kung hindi pa niya ito gagawin, aba e 'yung ibang bahagi ng katawan niya, e lalo na papunta sa puso, maapektuhan na," dagdag pa ni Cristy.

Ayon pa kay Cristy, talagang hindi pa rin kakayanin sa Pilipinas ang pagsasagawa ng gamutan ng 'Queen of all media' lalo na umano ang karagdagan sakit na nakita kay Kris

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Read also

Mariel at Robin Padilla, hindi umano bumitaw kay Kris Aquino simula nang magkasakit ito

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Sa parehong episode din ng Kanilang Showbiz Now Na! hayagang nasabi ni Cristy ang saloobin niya sa relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson. Aniya, base na rin sa kasaysayan ng pakikipagrelasyon ng aktor, tila hindi rin daw tatagal ang relasyon nito kay Julia Barretto. Nabanggit niya ito matapos nilang mapag-usapan ang nasabi umano ni Julia sa dating nobyo na si Joshua Garcia. Pinayuhan niya kasi ito na huwag munang mag-girlfriend at mag-focus muna ito sa kanyang career.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel