Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, nakatanggap na ng silver play button ng YouTube

Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, nakatanggap na ng silver play button ng YouTube

- Nakatanggap na ng silver play button ang YouTube channel ni Cristy Fermin na Showbiz Now Na!

- Pumalo na sa mahigit 100,000 ang subscribers nina Cristy, Morly Alinio at Romel Chika sa loob lamang ng wala pang dalawang buwan

- Labis silang nagpasalamat sa kanilang mga tagasubaybay na patuloy ang paglaki ng bilang

- Nasasabik na rin silang mapadadalhan muli ng liham ng YouTube kapag naabot na nila ang isang milyong subscribers

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinalita nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika na pumalo na sa mahigit 100,000 ang subscribers nila sa YouTube.

Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, nakatanggap na ng silver play button ng YouTube
Romel Chika, Cristy Fermin at Morly Alinio (Photo: Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na dahil dito, napadalhan na sila ng silver play button ng YouTube.

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang tatlo habang binubuksan ang regalo sa kanila ng YouTube na may kalakip na liham ng pagbati para sa kanilang channel.

Read also

Cristy Fermin kay Kakie Pangilinan: "Nakapagtataka talaga ang mga ginagawa ni Kakie"

"100,000 subscribers po ang dahilan kung bakit meron na po kami nito!" ang nasabi ni Cristy habang ipinakikita ang silver play button.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Una po namin itong hahawakan pero ihahandog pa rin po namin sa inyo. Kayo po ang dahilan kung bakit po meron kami nito"

Labis-labis din ang pasasalamat niya sa kanilang mga tagasubaybay na patuloy na dumarami at tumatangkilik sa kanilang programa.

"Salamat, salamat, salamat po. Nakakapanood po ako ng mga vloggers na sinasabi, after 1 year, 2 years at saka po sila nagkaroon"
"Alam niyo po noong binigay niyo sa amin ito, wala pa po kaming dalawang buwan. Sa totoo lang. Kulan pa ng isang linggo sa dalawang buwan."

Narito ang kabuuan ng kanilang pasasalamat:

Si Cristy Fermin ay veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Read also

Pari na nanalo ng Php25,000 sa raffle, piniling ibili ng pagkain para sa mahihirap ang napanalunan

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Katunayan, sa kanilang Youtube channel ay nabigyang puri ni Cristy ang hosting skills ni Toni Gonzaga lalo na sa pagsampa nito sa entablado ng UniTeam. Aniya, wala raw kasi itong binabasa gaya ng teleprompter sa kanyang pagkampanya sa 'BBM-Sara tandem.'

Gayundin si Megastar Sharon Cuneta na kanyang binigyang puri rin dahil umano sa kilos nito na pang-edukadong tao talaga. Nakita raw ito sa campaign rally kung saan siya ang nagpakilala kay Maricel Soriano kahit na si presidential candidate Leni Robredo lang ang sinusuportahan 'di umano nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel