Kylie Padilla, nabanggit na hiwalay na rin si Max Collins kagaya niya

Kylie Padilla, nabanggit na hiwalay na rin si Max Collins kagaya niya

- Si Kylie Padilla ang bida sa seryeng "Bolera" kaya bilang bahagi ng kanyang pagpo-promote ay nagpa-unlak siya ng panayam

- Ayon sa isang ulat, hindi umano sinasadyang nabanggit ni Kylie na kagaya niya ang kaibigan niyang si Max Collins ay kinasal at hiwalay na rin

- Matatandaang hindi pa rin kinukumpirma nina Max at Pancho Magno ang tungkol sa balitang ito

- Ito ay sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa kanilang paghihiwalay matapos magdiwang ng magkahiwaly ng birthday celebration ang dalawa para sa kanilang anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Trending si Kylie Padilla sa social media matapos ang paglabas ng balitang nabanggit umano nito na hiwalay na si Max Collins sa asawa. Matatandaang hindi pa rin kinukumpirma nina Max at Pancho Magno ang tungkol sa balitang ito.

Kylie Padilla, hindi sinasadyang nabanggit na hiwalay na rin si Max Collins sa asawa
Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Sa ulat ng Manila Bulletin, sa isang panayam umano kay Kylie ay nabanggit nito na ang tungkol sa Kapuso star nang tanungin siya kung sino ang una niyang kaibigan sa showbiz.

Read also

Mariel at Robin Padilla, hindi umano bumitaw kay Kris Aquino simula nang magkasakit ito

“First friend talaga in show biz na friend ko pa rin hanggang ngayon — si Max Collins. We were together in ‘The Good Daughter,’ dun pa lang naging friends na kami, hanggang ngayon. Parehas kaming ikinasal, parehas naghiwalay, parehas kaming nanganak."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa ulat ng GMA News, naibahagi ni Max na kaya sila nagdiwang ng magkahiwaly ng birthday celebration ang dalawa para sa kanilang anak dahil hindi nakadalo si Pancho sa party na inihanda niya dahil may trabaho umano ito.

Ang hiwalay na party nila para sa anak ang isa sa mga naging dahilan sa paglabas ng espikulasyong hiwalay na silang mag-asawa.

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Read also

Lolit Solis sa itinakbo ng career ni Kit Thompson: "Forever ng tatak iyon away nila"

Matatandaang naunang lumabas ang balitang nagkakaproblema sina Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica. Nanatiling tahimik si Kylie kaugnay sa isyu ngunit sa isang panayam ay inamin ni Aljur na sinusubukan nilang ayusin ang kanilang pagsasama.

Hindi na nila naayos ang kanilang problema at naibahagi ni Robin Padilla sa isang panayam na hiwalay na sina Kylie at Aljur at inamin din nitong 3rd party ang dahilan. Kinalaunan ay lalong naging kontrobersiyal ang paghihiwalay nila nang maglabas ng pahayag si Aljur sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel