Mariel at Robin Padilla, hindi umano bumitaw kay Kris Aquino simula nang magkasakit ito

Mariel at Robin Padilla, hindi umano bumitaw kay Kris Aquino simula nang magkasakit ito

- Ayon kay Robin Padilla, hindi umano sila bumitaw na mag-asawa kay Kris Aquino mula nang malaman nilang nagkasakit ito

- Sa isang Facebook post ay sinabi ni Robin na pinagluluto umano lagi ng kanyang asawa si Kris

- Kahit hirap umano ito sa pagkain ng solid foods ay pinaramdam nila ng kanyang pamilya ang kanilang appreciation kay Mariel

- Naging mas malapit umano sila sa isa't-isa at minulat daw nila ang isat't-isa sa realidad pulitika at buhay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Robin Padilla mismo ang naghayag ng kanyang pasasalamat kay Kris Aquino sa tulong nito sa kanya nitong nakaraang eleksiyon. Ayon sa senador, hindi umano sila bumitiw kay Kris simula nang malaman nilang mag-asawa ang tungkol sa pagkakasakit nito.

Mariel at Robin Padilla, hindi umano bumitaw kay Kris Aquino simula nang magkasakit ito
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Naikwento ni Robin na personal na pinagluluto ni Mariel si Kris at kahit hindi masyadong nakakakain ng solid foods si Kris dahil sa kanyang karamdaman ay pinaramdam umano ni Kris at ng pamilya niya ang kanilang appreciation sa kanyang maybahay na si Mariel.

Naging mas malapit umano sila sa isa't-isa at minulat daw nila ang isat't-isa sa realidad pulitika at buhay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito. Kasunod nito ay isinapubliko nila ang tungkol sa kanilang engagement. Gayunpaman, naudlot din ito at ibinahagi ni Kris na hiwalay na sila ni Sarmiento.

Kamakailan nga ay naibahagi ni Kris sa kanyang social media ang tungkol sa pagpunta nila sa Amerika para sa kanyang gamutan. Matatandaang dumaan pa muna sa maraming pagsusuri si Kris upang masiguradong kakayanin ng katawan niya ang pagdadaanang mga gamutan sa US. Sa kabila ng kanyang kalagayan ay buong tapang siyang lumalaban para mabuhay para sa kanyang dalawang anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel