Skusta Clee, binahagi sa Twitter ang isang linya sa bagong kanta nila

Skusta Clee, binahagi sa Twitter ang isang linya sa bagong kanta nila

- Binahagi ni Skusta Clee sa Twitter ang isang linya mula sa kanilang bagong awitin kasama sina Yuridope at Flow G

- Ang linyang "Kung kailan ka nawala saka ako pinagapala" ang kanyang binahagi sa tweet at agad itong umani ng mga reaksiyon

- Sa kanyang Instagram ay nauna niya na ring na-post sa IG story ang ilang bahagi ng kanilang bagong kanta

- Ito ay sa kasagsagan ng kinasasangkutan niyang isyu matapos nilang maghiwalay ni Zeinab Harake

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binahagi ni Skusta Clee sa kanyang tweet ang isang linya na mula sa kanilang bagong kanta kasama sina Yuridope at Flow G. Sa gitna ng pambabatikos na kanyang natatanggap matapos ang kanilang paghihiwalay ni Zeinab Harake ay makailang beses na rin itong naglabas ng kanta.

Skusta Clee, binahagi ang isang linya sa bagong kanta nila
Skusta Clee (@extraordinaryl)
Source: Instagram

Ang linyang "Kung kailan ka nawala saka ako pinagapala" ang kanyang binahagi sa tweet at agad itong umani ng mga reaksiyon.

Maging sa kanyang IG story ay naibahagi niya ang videos kung saan sinasabayan niya ang awiting talaga namang umani ng mga reaksiyon at komento.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang si Skusta Clee mismo ang unang nag-post ng picture nila ng TikToker na si Aira Lipata sa kanyang Instagram story. Maging si Aira ay binahagi sa kanyang IG story ang parehas na picture na binahagi ni Skusta ngunit wala pang nilalabas na kumpirmasyon mula sa kanila tungkol sa pag-uugnay sa kanila.

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Matatandaang matapos lumabas ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab Harake, umani man ng pambabatikos, may mga netizens pa rin na bumilib sa talento ni Skusta Clee sa nilabas na music video ng bago nilang kanta ng kapwa niya rapper na si Gloc-9. Umabot sa top 3 trending videos sa YouTube ang music video ng kanilang kantang pinamagatang "Kumpisal".

Samantala, sa video na nilabas ng content creator na si Makagago, pinanindigan niya ang nauna niyang sinabi na scripted umano ang isyu nina Zeinab Harake at Skusta Clee. Ito ay matapos nga maglabas ng bagong kanta ni Skusta Clee kagaya ng nauna niyang sinabi sa isang video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel