Content creator na si Makagago, pinanindigan na scripted ang isyu nina Zeinab at Skusta Clee

Content creator na si Makagago, pinanindigan na scripted ang isyu nina Zeinab at Skusta Clee

- Matapos maglabas ng music video si Skusta Clee, muling nagsalita ang content creator na si makagago

- Pinanindigan nito na totoo umano ang kanyang naunang sinabi na scripted lamang ang isyu kaugnay sa paghihiwalay nina Zeinab Harake at Skusta Clee

- Ang tanging totoo lamang umano at hindi scripted sa kwento nila ay iyong nakunan si Zeinab kagaya ng kinuwento niya sa Toni Talks

- Marami naman ang nagtanggol kay Zeinab at nagsabing sa pinagdadaanan nito ay tila malayong scripted ang isyu

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa video na nilabas ng content creator na si Makagago, pinanindigan niya ang nauna niyang sinabi na scripted umano ang isyu nina Zeinab Harake at Skusta Clee. Ito ay matapos nga maglabas ng bagong kanta ni Skusta Clee kagaya ng nauna niyang sinabi sa isang video.

Read also

Music video ng kanta nina Gloc-9 at Skusta Clee, kabilang sa trending YouTube videos

Content creator na si Makagago, pinanindigan na scripted ang isyu nina Zeinab at Skusta Clee
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Ang tanging totoo lamang umano at hindi scripted sa kwento nila ay iyong nakunan si Zeinab kagaya ng kinuwento niya sa Toni Talks. Matatandaang sa nauna niyang video ay umalma si Zeinab at pinabulaanan ang kanyang mga pahayag;

"Di ako gaya ng ibang YouTuber diyan na gagawa ng content at iu-upload sa YT para lang pagkakitaan. Di importante pera sakin, alam kong kilala mo ko, ayun lang masyado kasing madaming patalo na naniniwala sa mga opinion ng iba. God bless sa inyong lahat."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May mga sumang-ayon sa kanya ngunit marami din ang nagtanggol kay Zeinab at nagsabing sa pinagdadaanan nito ay tila malayong scripted ang isyu:

Yung interview niya with Toni G. makikita mo na mabilis magbago mood niya iiyak tapos kwento siya nakatawa siya. Ganon po kapag my anxiety or depression ka lalo na nanganak pa siya so tlaagang parang sira ulo ka pero yun po ang realidad. Kaya sana huwag na gawan ng issue.

Read also

‘Bawal Judgmental’ guest na 'di matinag ang pagkikwento, kinagiliwan ng mga EB hosts

In my opinion i think my mga taong naghhide ng depression and feelings nila hindi nila pinapakita sa socmed pero ibat iba ang tao and i think base sa post ni zeinab she has recovered from depression pero depression isnt a joke ah

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Battalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel