‘Bawal Judgmental’ guest na 'di matinag ang pagkikwento, kinagiliwan ng mga EB hosts

‘Bawal Judgmental’ guest na 'di matinag ang pagkikwento, kinagiliwan ng mga EB hosts

- Kinagiliwan ng mga Eat Bulaga host ang isa nilang ‘Bawal Judgmental’ guest

- Walang humpay kasi umano ito sa pagkikwento tungkol sa kanyang buhay

- Gayunpaman, humanga rin ang mga host sa tagal ng pagsiserbisyo nito kanyang amo

- Anya, dahil masaya at mahal niya ang kanyang trabaho, tila nakalimutan na niya na bumuo ng sariling pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natuwa sa pakikinig ang mga Eat Bulaga hosts nang magkwento na ng tungkol sa kanyang buhay si Tessie.

‘Bawal Judgmental’ guest na 'di matinag ang pagkikwento, kinagiliwan ng mga EB hosts
‘Bawal Judgmental’ guest na 'di matinag ang pagkikwento, kinagiliwan ng mga EB hosts (Photo: Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na 25 taon na raw na naninilbihan bilang yaya si Tessie.

Mahal na mahal daw nito ang kanyang alaga at todo support naman sa kanya.

Kahit pa raw minsan na siya ay may mga taong hindi nakakasundo, agad siyang pinagtatanggol ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Singer/Songwriter ng "Rosas", emosyonal sa thanksgiving rally ng 'Leni-Kiko tandem'

At nang maikwento na nga ni Tessie ang tungkol sa panghuhusga sa kanya ng tao, tila hindi na ito maawat sa pagbabahagi.

Hindi na rin umano siya nakabuo ng sarili niyang pamilya. Dahil sa masaya naman umano siya sa kanilang pamilya.

Hindi niya raw namamalayang nasa kolehiyo na pala ang kanyang mga inaalagaan hanggang sa ang mga ito ay nagsipagtapos.

Nang lumapit na si Jose Manalo, saka lamang bahagyang tumigil si Tessie sa kanyang mga sinasabi.

Gayunpaman, hanga naman umano sila sa katatagan ni Tessie lalo na at bihira ngayon ang makahanap ng yaya na tatagal sa isang pamilya tulad niya.

Narito ang kabuuan ng video:

Ang Bawal Judgmental ay bahagi ng longest running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey."

Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.

Read also

BBM, nagpabatid ng pasasalamat; lalo na sa 31M na botong natanggap

Kamakailan, naging panauhin nila ang ama ng Maguad siblings na walang-awang pinaslang ng sinasabing kapwa nito mga kabataan.

Bumuhos ang luha sa naturang panayam lalo na at hirap na makamit ang hustisya sa pagkamatay ng dalawa dahil sa mga suspek na wala pa sa hustong edad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel