Ama ng Maguad siblings, emosyonal nang magkwento sa Bawal Judgmental

Ama ng Maguad siblings, emosyonal nang magkwento sa Bawal Judgmental

- Naging panauhin ng Bawal Judgmental ng Eat Bulaga ang ama ng Maguad siblings na si Cruz

- Isinalaysay niya ang sinapit ng mga anak sa malagim na araw noong Disyembre 10 ng nakaraang taon

- Hanggang ngayon, bakas pa rin sa kanya ang sakit ng hindi inaasahang nangyari sa kanyang mga anak na inakala niyang ligtas sa sarili nilang tahanan

- Nagpasalamat naman si Cruz sa mga taong nagpapaabot sa kanila ng suporta at pakikiramay na kahit na paano'y nakakabawas umano ng pighati na nararamdaman nilang mag-asawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagpaunlak ng panayam si Cruz Maguad, ama ng Maguad siblings sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga.

Ama ng Maguad siblings, emosyonal na naibahagi sa Eat Bulaga ang sinapit ng mga anak
Ama ng Maguad siblings, emosyonal na naibahagi sa Eat Bulaga ang sinapit ng mga anak (Photo: Cruz Jr. Maguad)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isinalaysay muli ni Cruz ang malagim na sinapit ng kanyang mga anak sa taong kanila umanong pinagkatiwalaan.

Habang nagsasalaysay at sinasariwa ang mga nangyari noong araw na natagpuan niyang duguan at wala nang buhay ang mga anak, mababakas ang sakit at pighati ng isang ama na mawalan ng dalawang pinakamamahal na mga anak.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin umano si Cruz sa mga taong kaanak man nila, kaibigan man at maging hindi nila kakilala ay taos-pusong nakiramay sa kanya at sa kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nagpapasalamat ako sa mga netizen, mga kaibigan kahit hindi namin kilala na mga netizen. Sobrang buhos sa amin ang pakikiramay, prayers alam ko yun po ang pinaka malaking tulong yung prayers nila. Alam ko pinapakinggan ni God, dahil maski papaano po, unti-unti po naiibsan ang sakit."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Bawal Judgmental, Eat Bulaga:

Disyembre 10 nang matagpuan ng kanilang ama ang magkapatid na Maguad na wala nang buhay sa kanila mismong tahanan.

Sinasabing ang adopted school girl nila ang tanging nakaligtas na nakapagtago umano sa loob ng kwarto nito.

Kalaunan, inamin ng adopted school girl na isa siya sa responsable sa pagpaslang sa magkapatid habang ang isa naman ay nasa kustodiya na rin ng awtoridad at isa pala umanong sakristan.

Read also

VP Leni, nanawagan sa pagtanggap sa resulta ng Halalan; lalabanan pa rin ang kasinungalingan

Matatandaang una nang nanawagan si Gng. Maguad na huwag maliitin ang kakayahan ng mga may edad na 18 pababa na nakagawa umano ng krimen sa kapwa nito kabataan.

Makalipas ang mahigit dalawang buwan mula nang mapaslang ang Maguad siblings, aminadong napakasakit pa rin para sa kanilang ina na si Lovelle Maguad ang nangyari.

Ibinahagi rin ang nasabi umano ng isa sa mga suspek sa pamamaslang sa kanilang mga anak na tila alam umanong hindi siya basta malalagak sa bilangguan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: