Video ng umano'y ex-BF na sinubukang pigilang magpakasal ang dating nobya, viral

Video ng umano'y ex-BF na sinubukang pigilang magpakasal ang dating nobya, viral

- Viral ngayon ang video ng umano'y ex-boyfriend na humabol pa sa bridal car ng kanyang dating nobya

- Sinasabing sinubukan daw nitong pigilan ang ex-girlfriend na ikakasal na noon sa iba

- Nagawa pa nitong pumunta sa kasal sa dating kasintahan at natapos ang buong seremonya

- Habang ang iba'y sinasabing scripted ang naturang video, marami naman ang nagpayo sa lalaki na mag-move on na gayung bubuo na ng pamilya ang dati niyang nobya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agaw-eksena sa social media ang Tiktok video ni @dindocaraigofficial kung saan makikitang pumunta ito sa bridal car ng kanya umanong dating kasintahan.

Sinubukan pa umano ng ex-boyfriend na pakiusapan ang nobyang handa nang magtungo sa seremonya ng kasal.

Nasa loob na ang ex-GF ng kanyang bridal car at napahagulhol pa rin ang kanyang dating BF na animo'y nagmamakaawa.

Read also

Mona Alawi, ipinagluto sina Ivana, Hashim at Mama Alawi na may COVID-19

Video ng umano'y ex-boyfriend na sinubukan pigilang magpakasal ang dating nobya, viral
Photo from Dindo Caraig Official
Source: UGC

Hindi naman na ito halos pinansin ng dating nobya. Sa ibang video makikitang dumalo pa sa kasalan ang lalaki habang ito ay umiiyak na tila hindi makapaniwalang ikinasal na sa iba ang dati niyang nobya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinasabi man na scripted ang naturang eksena, marami pa rin ang nag-alala at nagpayo sa lalaki na hayaan na ang dating nobya gayung bubuo na ito ng bagong yugto ng kanyang buhay na hindi na kasama ang ex-boyfriend.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

"Minsan talaga nasa huli ang pagsisisi. Brad, hindi siya para sa'yo. Move on na"
"Kuya, i-let go mo na siya. Naka-move on na siya o, ikaw din sana. Dasal ka at magpakatatag"
"Darating din ang para sa'yo. Ang papakasal niya ay sign na hindi kayo ang nakatakda para sa isa't isa"

Read also

Aiko Melendez, nainis sa customer na nagalit sa Grab driver na walang panukli

"Pare, obvious naman na ayaw na at ikinasal na iba. Sapat na sign na yan para mag-move on na"
"Kaya mo yan kuya. Makakahanap ka rin ng para sa'yo at yung mamahalin mo rin.

Kamakailan, nag-viral din ang video ng pari na siyang nagkasal mismo sa kanyang ex-girlfriend. Nakatutuwang inamin niya ito sa kasal na nilarawan niyang doon lamang siya pinagpawisan nang husto.

Naging agaw-eksena rin ang isang kasalan na Php3,000 lang ang nagastos ng bride at groom sa kanilang wedding reception na ginanap sa Mang Inasal.

Gayundin ang isang bride na ayaw ng enggrandeng kasalan kaya naman niregaluhan na lamang siya ng kanyang groom ng 6000 sqm na lote.

Sa panahon ng pandemya, ilan lamang sila sa mga hindi nagpatinag sa virus at itinuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib. Siniguro lamang nila ang safety protocols at tamang bilang ng mga panauhin.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel