Aiko Melendez sa pagkakaibigan nila ni Candy Pangilinan: "Matagal na po kami ok"

Aiko Melendez sa pagkakaibigan nila ni Candy Pangilinan: "Matagal na po kami ok"

- Ibinahagi ni Aiko Melendez sa isang post ang kanyang pag-promote ng movie ng kanyang mga kaibigang sina Gelli de Belen, Carmina Villarroel, Janice de Belan at Candy Pangilinan

- Sa kanyang post ay naibahagi niyang matagal na silang nagkaayos ni Candy na kanyang nakatampuhan

- Pinili daw nila ni Candy na huwag nang magsalita tungkol dito dahil kailangan nila ng time at healing

- Matatandaang naibahagi ni Aiko sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ang malalim na tampuhan nila ni Candy noong 2021

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Aiko Melendez ng kanyang pagsuporta sa pelikula ng kanyang mga kaibigang sina Gelli de Belen, Carmina Villarroel, Janice de Belan at Candy Pangilinan. Dito ay nabanggit niya na matagal na silang okay ni Candy.

Aiko Melendez sa pagkakaibigan nila ni Candy Pangilinan: "Matagal na po kami ok"
Aiko Melendez sa pagkakaibigan nila ni Candy Pangilinan: "Matagal na po kami ok" (aikomelendez)
Source: Instagram
"Candy and I chose to keep quiet with what we went through, because we just needed time and healing,"

Read also

Romel Chika ng SNN: "Wala na pong magaganap na Valentine's show ang Sharon-Gabby"

Aniya, hindi naman nila kailangan i-explain ang tungkol sa kanilang pagbabati kaya hindi na nila pinaalam ito sa publiko.

"Matagal na po kami ok. We just felt that there is no need to explain or expound kasi mahal ko yan si Candy...Sa susunod kumpleto na kami,"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang naibahagi ni Aiko sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ang malalim na tampuhan nila ni Candy noong 2021.

Si Aiko ay nagsimula bilang isang child star noong dekada 80 sa ilalim ng Regal Films. Nakilala siya bilang isa sa pinakasikat na leading lady noong dekada 90 kung saan itinambal siya sa mga leading men kagaya nina Richard Gomez, Jomari Yllana at Aga Muhlach.

Masayang ibinida ni Aiko Melendez ang ilang mga larawan mula sa kanyang graduation. Kasama ni Aiko ang kanyang mga anak na sina Andrei at Marthena na pawang inspirasyon niya sa pagtatapos. Inabot man daw siya ng ilang taon bago makapagtapos, masaya siyang napagtagumpayan pa rin ito. Si Aiko ay kasalukuyang naglilingkod bilang konsehal ng ikalimang distrito ng Quezon City.

Read also

Cristy, sa madalas na papuri kay Alden: "Hindi po kami bayaran ni Alden Richards"

Tatanggap na muli ng mga showbiz projects ang aktres na si Aiko. Ito ay matapos na maka-graduate na siya sa kolehiyo na siyang naipangako niya sa kanyang mga anak. Aminado si Aiko na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan sa pagkamit ng kanyang diploma. Ito ay dahil sa iba't ibang gampanin ni Aiko na bukod sa pagiging isang artista ay konsehal din ng ikalimang distrito ng Quezon City.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel