Cristy, sa madalas na papuri kay Alden: "Hindi po kami bayaran ni Alden Richards"

Cristy, sa madalas na papuri kay Alden: "Hindi po kami bayaran ni Alden Richards"

- Muli na namang napuri ni Cristy Fermin ang aktor na si Alden Richards

- Ito ay kaugnay sa nagagawang paghahambing ngayon ng publiko kina Alden at Daniel Padilla

- Mismong sina Cristy kasi ang nakasaksi kung paano itrato ni Alden ang kanyang mga fans

- Nilinaw naman ni Cristy na hindi sila bayaran ng aktor sa mga magagandang salitang naibabahagi nila tungkol dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila nadadalas ang papuri ni Cristy Fermin sa aktor na si Alden Richards. Aminado naman dito ang batikang showbiz reporter na muling nagbahagi ng kanila mismong karanasan kung paano si Alden makisalamuha sa publiko lalo na sa kanyang fans.

Cristy, sa madalas na papuri kay Alden: "Hindi po kami bayaran ni Alden Richards"
Alden Richards
Source: Facebook

Kahit daw kasi kumakain ito, walang halong inis na tumatayo ito at lumalapit sa mga nais na magpakuha ng larawan kasama siya.

Read also

Ogie D sa update ukol kay Angel Locsin: "'yung pagbabalik sa showbiz, baka for now di muna"

Sa isang event naman kung saan sandali lamang sana si Alden, ito raw mismo ang naglaan ng kaunti pang oras para mapaglaanan ng karagdagang sandali ang mga nais makipag-piture sa kanya.

"Mula nung gabing yun, tinatak namin sa aming mga sarili, iba itong batang ito. Hindi pinagbago ng kasikatan. Hindi pinagbago ng panahon. Kaya po kami, buhay na bhay po kami tataya po kami ni Rommel, maging si Wendell para kay Alden Richards," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sabihin niyo nang bayaran kami mga bashers. Sabihin niyo nang masyado naming iniipit si Daniel, hindi po. Ipinakikilala lang po namin sa inyo kung ano ang diperensya at pagkukumpara sa kanilang dalawa. Hindi po kami bayaran ni Alden Richards. Never kaming binayaran ni Alden Richards. Anumang papuri na lumalabas sa aming bibig, mula po yun sa puso at hindi sa nguso," dagdag pa nito.

Read also

Ogie Diaz, nakausap si Ian Veneracion: "Nakaganda pa yata yung nasulat sa kanya"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! Youtube channel:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nakilala siya sa pagiging isang host ng Eat Bulaga kung saan nabuo ang love team nila noon ni Maine Mendoza, ang Aldub. Subalit dalawang taon ding namahinga si Alden sa programa at pansamantalang nakabalik noong Marso. Subalit muli na naman siyang nawala roon dahil na rin sa paglisan ng mga orihinal na host nito.

Kamakailan, bumida muli si Alden sa pelikulang kasama niya sa Julia Montes. Ito ang pagbabalik pelikula ni Alden kung saan iba naman ang kanyang kapareha. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikula nilang Hello, Love, Goodbye ni Kathryn Bernardo.

Samantala, sa naturang interview sa kanya ni Toni Gonzaga, napag-usapan din nila ang umano'y mga crazy rumors na hanggang ngayon ay naiuugnay sa kanila ng dating ka-love team na si Maine Mendoza. Inakala niyang matatapos na ito nang maiksal si Maine kay Arjo Atayde subalit may ilang fans pa rin na nagsasabing sila umano ni Maine ang ikinasal at nagkaroon pa ng anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel