Ogie D sa update ukol kay Angel Locsin: "'yung pagbabalik sa showbiz, baka for now di muna"

Ogie D sa update ukol kay Angel Locsin: "'yung pagbabalik sa showbiz, baka for now di muna"

- Nagbahagi rin si Ogie Diaz ng update ukol sa aktres na si Angel Locsin

- Matagal-tagal na panahon din kasi itong nanahimik sa social media na ipinagtaka ng marami

- Pinabulaanan din ni Ogie ang napapabalitang marahil ay hiwalay na raw ito sa mister na si Neil Arce

- Tulad nasabi kamakailan ni Dimples Romana kay tungkol kay Angel, masaya namana ito sa desisyong pagpapahinga sa social media at sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel kasama sina Mama Loi at Ate Mrena ay ang tungkol kay Angel Locsin.

Ogie D sa update ukol kay Angel Locsin: "'yung pagbabalik sa showbiz, baka for now di muna"
Angel Locsin (Team Angel PH)
Source: Facebook

Ani Ogie, happy naman daw si Angel sa kung nasaan ito sa ngayon at sa mga bagay na kanya umanong pinagkakaabalahan.

"Happy naman daw si Angel na talagang wala muna siyang socmed. Si Angel ay nililibang ang sarili kumbaga binibigyan niya ng panahon ang sarili niya..."

Read also

Jiro Manio, 'di basta babalik sa showbiz; "Pinagbawalan po ako"

Isa na raw ang mga paglalaro ng online games at iba pa sa mga napaglalaanan ni Angel ng panahon buhat nang hindi na ito nakikita sa social media.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging ang mister nitong si Neil Arce ay hinahayaan muna si Angel sa pamamahingang ginagawa.

"'Yung magbabalik sa showbiz, baka for now hindi muna. Basta nag-e-enjoy si Angel. At hinahayaan 'yun ni Neil. Binibigay ni Neil yung ikaliligaya niya"

Tulad nang una nang naibahagi ni Dimples sa kanyang best friend, maaliwalas ang mukha nito ngayon at mababakas na walang pagsisisi sa desisyon na hindi muna magparamdam sa publiko lalo na sa social media.

Narito ang kabuuan ng talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Read also

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan sa kanilang TikTok video

Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa agaran niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Kilala siya sa tahimik ngunit mabilis na tumutulong sa ating mga kababayang nasasalanta ng iba't ibang kalamidad. Dahil dito, kabi-kabilang papuri ang kanyang natatanggap at isa na rito si Cristy Fermin na hayagan ang pagsasabi ng magagandang salita kay Angel Locsin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel