Jiro Manio, 'di basta babalik sa showbiz; "Pinagbawalan po ako"

Jiro Manio, 'di basta babalik sa showbiz; "Pinagbawalan po ako"

- Hindi raw basta babalik sa showbiz si Jiro Manio

- Sa ngayon, patuloy ang kanyang pamamahinga na kailangan niya umano sa kanyang full recovery

- Patuloy pa rin ang kanyang pagiging volunteer niya sa rehab na dating napaglagakan sa kanya

- Isa umano siya sa mga nagbibigay inspirasyon sa tao doon upang ipagpatuloy ang buhay tungo sa pagbabago

Hindi na raw basta babalik sa showbiz ang 'Magnifico' star na si Jiro Manio.

Isa ito sa mga naitanong sa kanya nang maging panauhin siya ni Boy Abunda.

"Minsan po paulit-ulit e. Minsan sinasabi ko nalang, nagpapahinga pa po kasi ako dahil kailangan ko pa po ng full recovery. Minsan alam na, kung bakit ayaw ko na pong bumalik, yung iba nangungulit," sagot ni Jiro.

Paliwanag ni Jiro, binawalan din umano siya ng kanyang doktor.

"Pinipili ko po e. Sa ngayon po yung mga tinatanggap ko po. "Opo, 'di po katulad dati na babad ako sa TV"

Read also

Jolina Magdangal, pinabulaanang magtatapos na ang programa nilang Magandang Buhay

"Kasi pinagbawalan po ako ng mga doktor sa rehab po na baka daw po maging effects ng stress ko, magkasakit daw po ako ulit. Dahil hanggang ngayon po, nagti-take ako ng medicines."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan sa Fast Talk With Boy Abunda na ibinahagi rin ng GMA Network YouTube:

Jiro Manio, 'di basta babalik sa showbiz; "Pinagbawalan po ako"
Jiro Manio (Fast Talk with Boy Abunda YT)
Source: Facebook

SI Jiro Manio ay dating aktor sa Pilipinas. Lumabas siya sa iba't ibang mga programa at pelikula subalit ang tumatak na karakter sa kanya ay ang pagiging si 'Magnifico.'

Naging bahagi rin si Jiro ng pelikulang Tanging Ina na siyang naging daan upang makilala niya si Ai-ai Delas Alas na siyang tumayong ikalawang ina ni Jiro sa totoong buhay. Matatandaang si Ai-Ai ang nagmalasakit kay Jiro na maipasok sa rehab matapos itong matagpuan na pagala-gala sa Ninoy Aquino International airport noong 2015.

Read also

Dagul, dalawang linggo nang nasa ospital at kailangan umano ng tulong ayon kay Ogie D

Nakalabas ito noong Enero 2017 ngunit ibinalik rin dahil labis na nag-alala si Ai-Ai kay Shammy (pangalan ni Jiro sa 'Tanging Ina') kaya labag sa kalooban niyang ibinalik na muli ito sa rehab. Pebrero noong 2018, nagkaroon ng reunion ang 'Magnifico' stars na sina Jiro Manio at Isabella De Leon kung saan inulit pa nila ang 'iconic pose' nila sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel