Tanging Ina talaga siya! Ai ai Delas Alas, pinagdiwang ang kaarawan ng anak-anakan niyang si Jiro Manio

Tanging Ina talaga siya! Ai ai Delas Alas, pinagdiwang ang kaarawan ng anak-anakan niyang si Jiro Manio

- Di nakalimot ang si Ai ai na tulungang ipagdiwang ni Jiro Manio ang kaarawan nito ngayong Mayo 9

- Tinuring na tunay na anak ni Ai ai si Jiro di lamang sa pelikulang 'Tanging ina' kundi maging sa tunay na buhay

- Si Jiro ay 26 na taong gulang na ngayong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngayon, Mayo 9 ay kaarawan ng isa sa magaling na child star ng kanyang panahon na si Jiro Manio.

Nalaman ng KAMI na ang tumatayong ina niya na si Ai ai Delas Alas ay di nakalimot na tulungan pa rin ang dating aktor na ipagdiwang manlang ang kanyang kaarawan.

Ayon sa push, binahagi ng Kapuso comedian ang video ni Jiro na kinakantahan niya ng 'Happy Birthday!' habang hawak ang cake para sa kanyang espesyal na araw.

Kalakip nito ang positibong mensahe ni Ai ai na umaasa na sana'y makabalik ang anak-anakan niyang si Jiro sa showbiz.

"Happy birthday shammy (sa Tanging Ina) jiro .. Ang aking anak sa pelikula at sa totoong buhay. Happy bday nak. Many more to come .. and wish ko for you maka balik ka na ng tuluyan sa mundo ng showbiz at tuluyan na din ang iyong pag babago .. God bless you more. ," ani ni Ai ai.

Samantala, matatandaang si Ai ai ang nagmalasakit kay Jiro na maipasok sa rehab matapos itong matagpuan na pagala-gala sa Ninoy Aquino International airport noong 2015.

Nakalabas ito noong Enero 2017 ngunit ibinalik rin dahil labis na nag-alala si Ai ai kay Shammy (pangalan ni Jiro sa 'Tanging Ina') kaya labag sa kalooban niyang ibinalik na muli ito sa rehab.

Nakalabas si Jiro ng rehabilitation center noong Hunyo ng nakaraang taon dahil nasa wastong edad na ito.

Pebrero ngayong taon, nagkaroon ng reunion ang 'Magnifico' stars na sina Jiro Manio at Isabella De Leon kung saan inulit pa nila ang 'iconic pose' nila sa pelikula.

Happy Birthday Jiro from KAMI!

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message

Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message

Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel