Jolina Magdangal, pinabulaanang magtatapos na ang programa nilang Magandang Buhay

Jolina Magdangal, pinabulaanang magtatapos na ang programa nilang Magandang Buhay

- Nakuhanan ng pahayag ni Ogie Diaz si Jolina Magdangal tungkol sa Magandang Buhay

- Ito'y dahil sa madalas umanong replay ang mapanood sa nasabing programa

- Nabigyang paliwanag ni Jolina kung bakit ito nangyayari

- Isa si Jolina Magdangal sa orihinal na hosts ng Magandang Buhay kasama ni Melai Francisco

Nagbigay ng detalye si Jolina Magdangal kung bakit replay nadadalas ang replay umano sa programa nilang magandang Buhay.

Jolina Magdangal, pinabulaanang magtatapos na ang programa nilang Magandang Buhay
Jolina Magdangal, pinabulaanang magtatapos na ang programa nilang Magandang Buhay
Source: Facebook

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, nahingan si Jolina ng pahayag ukol dito.

"Meron kaming iti-tape na mga episodes ng Magandang Buhay itong bago mag-end ang April... Pero sa ngayon ang napapanood nila ay mga replay dahil talaga namang from the start naman ng pandemic at saka nung nagkaroon tayo ng problema sa network, yun naman yung sinabi samin na may mga replays na," ani Jolina.

"So sanay talaga kami na may mga replay. Pero ngayon na may mga nangyari sa ibang channel, talagang puro replays muna kami. But masaya kami na bago matapos yung April, meron na ulit kaming mga episodes na iti-tape," dagdag pa nito.

Read also

Dagul, dalawang linggo nang nasa ospital at kailangan umano ng tulong ayon kay Ogie D

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman, wala umanong katotohanan ang mga bali-balitang magtatapos na ang kanilang programa.

"Feeling ko kung mag-end 'yun, bakit hindi kami magpo-post, hindi kami magti-thank you sa lahat ng nanood di ba? Pero dahil okay yung Magandang Buhay pa, why not na panoorin pa rin natin. Tuloy pa rin!"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Jolina mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

Si Jolina Magdangal ay isang singer, actress at entrepreneur sa Pilipinas. Sa ngayon, aktibo pa rin siya sa showbiz bilang isa sa mga host ng 'Magandang Buhay' kasama si Melai Cantiveros at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Napangasawa ni Jolina ang drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta.

Marami ang patuloy pa rin na humahanga kay 'Momshie Jolens' dahil na rin sa mga nakakaaliw niyang mga post lalong-lalo na ang mga videos na kasama ang mga anak na sina Pele at Vika.

Read also

Ogie Diaz: "Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?"

Sa natapos na reunion concert ng Rivermaya, todo ang suporta ni Jolina sa mister na Mark Escueta. Katunayan, ipinasilip niya ang ilang rehearsal videos ng grupo gayundin ang ilang mga kaganapan bago ang mismong oras ng konsyerto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel