Ogie Diaz: "Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?"

Ogie Diaz: "Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?"

- Patanong na naibahagi ni Ogie Diaz ang nabalitaang nagdadalang tao na umano si Ellen Adarna

- Ayon pa sa kanyang source, pinakasamaya raw ang mister nitong si Derek Ramsay

- Aniya, maaring patotohanan ito o pabulaanan ng dalawa ngunit hiling nilang totoo nga ito

- Matatandaang sa panayam ni Toni Gonzaga kay Derek noong nakaraang Disyembre, nabanggit nitong balak talaga nila umanong magkaroon ng baby

Patanong na nabanggit ni Ogie Diaz kung totoo ba umano ang kanyang narinig na nagdadalang-tao na si Ellen Adarna.

Ogie Diaz: "Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?"
Ogie Diaz: "Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?" (@ramsayderek07)
Source: Instagram

Isa ito sa natalakay nila sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ngayong Abril 28.

"Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Paglilinaw niya, nakarating lamang ito sa kanya subalit ang kumpirmasyon pa rin ay magmumula sa mag-asawa.

Read also

David sa mga nagsasabing ginagamit niya umano si Kathryn: "I think I'm just being true to myself"

"Nadinig ko lang naman. Sana nga totoo. Ngayon kung idi-deny, wala rin namang problema. baka naman false alarm."

"Pero grabe daw happy... Pinaka-happy daw si Derek Ramsay," dagdag pa ni Ogie mula umano sa kanyang nabalitaan.

Matatandaang sa panayam ni Toni Gonzaga kay Derek Ramsay noong Disyembre ng nakaraang taon, nabanggit nitong plano na talaga nilang magkaanak ni Ellen Adarna.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie mula sa kanyang Showbiz Update Youtube channel:

Si Derek Arthur Ramsay Jr. o mas kilala bilang si Derek Ramsay ay isang British-Filipino model, actor, at host sa Pilipinas. Mula 2019, exclusive talent siya ng GMA Network. Gayunpaman, mula 2021, kung saan nag-file siya ng indefinite leave, hindi na muli napanood si Derek sa anumang TV shows ng Kapuso.

Subalit noong Disyembre 2023, muling napanood si Derek sa kanyang Metro Manila Film Festival movie na Kampon. Kasama niya rito sina Beatuy Gonzales, at unang pelikula ni Zeinab Harake. Sa ngayon, mapapanood na rin ito sa Netflix.

Read also

Ogie, sa umano'y nauungkat na isyu nina Vice at Jessica: "feeling ko kasi wala pang closure"

Samantala, mula nang ikasal kay Ellen Adarna, makikita sa kanilang social media kung gaano kasaya si Derek bilang isang family man. Subalit noong nakaraang taon din, naibahagi rin niya ang balitang nakunan umano ang misis na si Ellen sa sana'y inaasahan nilang unang supling. Kaya naman kung sakaling totoo ang nabalitaan ni Ogie, hiling ng maraming matupad na ang dinadasal ng dalawa na magkaroon na ng baby.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel