David sa mga nagsasabing ginagamit niya umano si Kathryn: "I think I'm just being true to myself"

David sa mga nagsasabing ginagamit niya umano si Kathryn: "I think I'm just being true to myself"

- Nahingan ng pahayag ni Ogie Diaz ang Kapuso actor na si David Licauco

- Ito ay matapos maakusahan ng ilan na ginagamit umano niya si Kathryn Bernardo

- Paliwanag ni David, nagpapakatotoo lang umano siya sa kanyang sarili

- Lalo na't bata pa lamang daw siya, napapanood na rin niya ang mga pagganap ni Kathryn

Mismong si David Licauco ang nagbigay pahayag ukol sa mga akusasyon sa kanya na ginagamit lamang umano niya si Kathryn Bernardo.

David sa mga nagsasabing ginagamit niya umano si Kathryn: "I think I'm just being true to myself"
David sa mga nagsasabing ginagamit niya umano si Kathryn: "I think I'm just being true to myself" (@davidlicauco)
Source: Instagram

Ito ay matapos niyang masabi sa naunang interview na nais niya umanong makapareha si Kathryn.

Dahil dito, sinasabi ng iba na tulad ng napapabalitang panliligaw umano nina Alden Richards at Jericho Rosales kay Kathryn na tila raw sinasabayan pa ni David.

"Hindi naman sa sasakay ako or something. I think I'm just being true to myself na siguro like I was looking up to her before. 'Nung bata ako, siya yung pinapanood ko. So actually 'dun sa interview na I had e talagang sinabi ko lang kung ano 'yung dream ko," paliwanag ni David.

Read also

Ogie Diaz: "Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Doesn't mean that it will happen, doesn't mean naman na It might happen. I'm just saying kung ano 'yung dream ko talaga," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuang pahayag ni David mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si David Licauco ay isang model, aktor at businessman sa Pilipinas. Mas lalong nakilala ang pangalan ni David sa mukha ng showbiz nang gampanan niya ang karakter ni Fidel sa GMA serye na Maria Clara at Ibarra.

Dumami ang kanyang mga tagahanga at isa na rito ang kapatid ni Zeinab Harake na si Rana. Kaya naman sa kaarawan nito, naisipan ni Zeinab na i-surpresa si Rana ng isang date kasama ang idolo nitong si David. Dahil dito, aminado si Rana na isa umano ito sa mga memorable na birthday niya na hindi niya inaasahang si David Licauco ang surpresa sa kanya ng kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel