Zeinab, si David Licauco ang birthday surprise sa kapatid na si Rana

Zeinab, si David Licauco ang birthday surprise sa kapatid na si Rana

- Si David Licauco ang surpresa ni Zeinab Harake sa kapatid nitong si Rana

- Fan raw kasi si Rana ng 'FiLay' ng Maria Clara at Ibarra kung saan gumaganap si David bilang Fidel

- Sa restaurant na pagma-may ari umano ni David naganap ang pagsurpresa ng kapatid na halos hindi makapaniwalang makakasama nila ang kanyang idolo

- Ipinagpaalam din ito ni Zeinab sa partner ni Rana at aprub naman ito sa kanya gayung alam niya gaano ka-fan ng 'FiLay' si Rana

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang kinilig si Rana Harake sa kakaibang birthday surprise sa kanya ni Zeinab gayung na-meet na niya ang idolong si David Licauco.

Zeinab, si David Licauco ang birthday surprise sa kapatid na si Rana
Sina Rana, David at Zeinab (Zeinab Harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sinubaybayan talaga ng Harake sisters ang 'Maria Clara at Ibarra' kung saan gumanap na Fidel si David.

Read also

Zeinab Harake, ipinakita ang ilang pictures mula sa kanyang Blackpink concert experience

Ang karakter na ito ni David ang naging ka-love team naman ni Barbie Forteza na gumaganap bilang si Klay.

Ito ang gabi-gabi noong inaabangan ni Rana at aminadong inaabangan ang eksena ng 'FiLay.'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaya naman nang inilabas na ni Zeinab si David sa restaurant nito, halos hindi makapaniwala si Rana.

Bago pa simulan ang surpresa, tinawagan na rin ni Zeinab ang partner ni Rana upang sabihin ang planong surpresa nito sa kapatid.

Nilinaw din ni Zeinab sa fans ng 'FiLay' na sila mang magkapatid ay pawang mga fans din na nagkaroon ng pagkakataong makasama ang kanilang iniidolong si David.

Narito ang kabuuan ng makulit na birthday surprise ni Zeinab kay Rana mula sa kanyang YouTube channel na Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Read also

Andi Eigenmann, binahagi ang sinabi ng anak na si Lilo: "Mom, I wanna be a champion like papa"

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs lalong-lalo na pagdating sa pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak.

Gayundin ang pagmamalasakit niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid at maging ang bumubuo ng kanyang 'Team Zebbies na itinuturing na rin niya talaga na bahagi ng kanilang pamilya.

Kamakailan, naiikwento sa publiko ni Zeinab ang hindi malilimutang pagkakataon na napaiyak umano siya ng mga anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Saludo rin umano siya sa mga single moms na tulad niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel