Zeinab Harake, ipinakita ang ilang pictures mula sa kanyang Blackpink concert experience

Zeinab Harake, ipinakita ang ilang pictures mula sa kanyang Blackpink concert experience

- Masayang ibinahagi ni Zeinab Harake ang ilang larawang kuha sa kanyang Blackpink concert experience

- Noon pa man, madalas na niyang mabanggit umano na isa siyang fan ng naturang grupo.

- Kaya naman hindi pinalampas ni Zeinab ang pagkakataong mapanood ang mga idolo nang mag-concert ito sa Pilipinas

- Dinaluhan ito ng libo-libong mga Pinoy ang Born Pink concert ng Blackpink na ginanap sa Philippine arena

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kitang-kita ang kasiyahang nadarama ni Zeinab Harake nang mapanood niya ang grupong Blackpink sa Philippine Arena noong Marso 25.

Zeinab Harake, ipinakita ang ilang larawang kuha sa kanyang Blackpink concert experience
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang mga larawang naibahagi niya ay mula nang siya ay papapasok pa lamang sa venue hanggang sa aktwal na panonood niya ng nasabing concert.

Matatandaang makailang beses nang nababanggit ni Zeinab sa kanyang mga vlogs na fan na fan umano siya ng nasabing grupo.

Read also

Vice Ganda, tawang-tawa sa maling post tungkol sa pagbubuntis ni Kris Bernal na umano ay "18 months" na

Katunayan, isa sa kanyang mga sasakyan ay pina-customized niya inspired by Blackpink.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang reels din niya ang makikitang nanonood siya ng mga videos ng grupo, minsan pa'y sinasabayan niya ng kanta lalo na ang sayaw.

Kasama ni Zeinab na manood ang kanyang kapatid na si Rana.

Sa kanya namang stories, makikita na nagawa pang mag-re touch ni Zeinab kahit malapit siya sa halos sa stage kung saan nagtatanghal ang kanyang mga idolo.

Umabot na sa 44, 000 ang mga reactions at halos 10,000 naman ang shares ng viral post na ito ni Zeinab.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.4 million subscribers sa kanyang channel.

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs dahil na sa pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak.

Read also

Zeinab Harake, ibinahagi ang larawan ng mga anak na sina Bia at Lucas: "Sarap niyong tingnan"

Gayundin ang pagmamalasakit niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid at maging ang bumubuo ng kanyang 'Team Zebbies' na itinuturing na rin niya talaga na bahagi ng kanilang pamilya. Madalas ding mamahagi ng tulong si Zeinab sa mga kababayan nating nangangailangan.

Kamakailan, naiikwento sa publiko ni Zeinab ang hindi malilimutang pagkakataon na napaiyak umano siya ng mga anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Saludo rin umano siya sa mga single moms na tulad niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel