Vice Ganda, tawang-tawa sa maling post tungkol sa pagbubuntis ni Kris Bernal na umano ay "18 months" na

Vice Ganda, tawang-tawa sa maling post tungkol sa pagbubuntis ni Kris Bernal na umano ay "18 months" na

- Tawang-tawa si Vice Ganda sa isang tweet tungkol sa isang article kaugnay sa pagbubuntis ni Kris Bernal

- Sa naturang tweet ay makikitang 18 months na umano ang pinagbubuntis ni Kris

- Umani ito ng maraming nakakatawang komento kabilang na ang dinosaur umano ang pinagbubuntis ni Kris kaya umabot ng ganoon katagal

- Naayos naman na ang naturang article at nagpasalamat ang news site sa pagiging good sport daw nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Vice Ganda ay natawa sa komento ng isang Twitter user kaugnay sa nag-viral na article tungkol kay Kris Bernal. Nakalagay sa naturang post na 18 months na umano ang pinagbubuntis ni Kris.

Vice Ganda, tawang-tawa sa post tungkol sa pagbubuntis ni Kris Bernal na umano ay "18 months" na
Vice Ganda, tawang-tawa sa post tungkol sa pagbubuntis ni Kris Bernal na umano ay "18 months" na (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Isang Twitter user ang nagsabing baka dinosaur daw ang pinagbubuntis ni Kris at sana ay kunin siyang ninang dahil siya ay mabait na T-Rex.

Read also

Cristy, todo puri si Barbie Forteza: "Kasing kinis ng iyong kutis ang paghanga namin sa'yo"

Nasa 18 month of pregnancy na si Kris Bernal sabi ng PEP, ano ba akala nilang iluluwal ni atih mong Kris? Dinosaur? Sana kunin akong ninang, mabait akong T-Rex.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Doris Bigornia, nag-post ng behind-the-scenes ng kanyang pag-uulat

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel