Cristy, todo puri si Barbie Forteza: "Kasing kinis ng iyong kutis ang paghanga namin sa'yo"

Cristy, todo puri si Barbie Forteza: "Kasing kinis ng iyong kutis ang paghanga namin sa'yo"

- Todo puri ni Cristy Fermin ang Kapuso actress na Barbie Forteza

- Kahanga-hanga umano ang kwento ng tagumpay ng aktres na kanyang nakamit dahil na umano sa kanyang magandang pag-uugali

- Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit ganoon na lamang ka-proud ang kanyang mga magulang sa kanya

- Dagdag pa ni Cristy masaya sila para kay Barbie sa umaapaw na biyayang natatanggap nito sa halos lahat ng aspeto ng kanyang buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Puring-puri ni Cristy Fermin ang aktres na si Barbie Forteza. Mula sa pamilya nito, sa pag-aartista at maging sa kanyang relasyon kay Jak Roberto at talaga raw kahanga-hanga ang ugali ni Barbie.

Cristy, todo puri si Barbie Forteza: "Kasing kinis ng iyong kutis ang paghanga namin sa'yo"
Barbie Forteza (@barbaraforteza)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga natalakay ni Cristy sa bagong episode ng kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na.

Read also

Wilbert Tolentino, magbibitiw na bilang manager ni Herlene Budol: "Effective July 31, 2023"

Ani Cristy, ang pagiging isang mabuting anak, mahusay at dedikadong artista ang dahilan ng kabi-kabilang biyaya na tinatamasa ni Barbie ngayon.

"Paulit-ulit po naming sinasabi na ang anak na marespeto at mapagmahal sa pamilya, laging may regalo mula sa langit. Ang nakakatuwa, siya ay puring-puri ng kanyang ama't ina, kanyang kapatid , at ng mga taong nakasaksi ng kanilang kahirapan na ngayon ay swerte na sila dahil naging matagumpay si Barbie. Ang daming maligaya para sa kanila ano?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi niya ikinahihiya ang kanyang pinanggalingan. Isipin mo, public school ang pinanggalingan nilang magkapatid. Nung nagkaroon na siya ng kaunting kita dahil sa mga TV commercials, 'dun pa lang sila nakapag-aral sa private school"
"Tingnan mo ang father niya, pinagmamalaki niya tricycle driver. Naku hindi krimen. Napaka-ideal na trabaho ito... legal. At ang kanyang mother, silang dalawang kapatid ang nakasama sa kanilang tahanan, sinubaybayan"

Read also

Andrea Brillantes, iniyakan pagkakaroon ng congenital anosmia dahil wala raw itong lunas

Kaya hindi umano kataka-taka kung bakit hindi mapigilan ang pag-angat ng career ni Barbie lalong-lalo na sa natapos nitong serye na 'Maria Clara at Ibarra.'

"Ang swerte naman ni Barbie. Maganda na ang karera, lalo na sa pinakahuli 'yung FiLay nila na nagpaangat po sa kanyang karera. At maligaya rin ang kanyang love life,"
"Haay naku Barbie, kung alam mo lang. Kasing linis ng iyong balat, kasing kinis ng iyong kutis ang paghanga namin sa'yo."

Si Barbara Ambas Fortezana mas kilala bilang si Barbie Forteza ay Filipino actress, comedian, dancer, singer, host, at vlogger. Kamakailan lamang, labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Klay sa Maria Klara at Ibarra. Pumatok din sa kanilang mga tagasubaybay ang nabuong love team sa serye na 'FiLay' kung saan nakapareha niya si David Licauco bilang si Fidel.

Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay David, nasabi ng Kapuso actor na sa kanyang palagay ay nauunawaan naman ng real-life boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto ang love team 'FiLay' gayung isa rin umano itong artista. Lalo na nagbukas sa iba pang mga oportunidad ang naturang pagkakapareha. Gaya na lamang ng bagong music video ng Ben & Ben sa version nila ng 'The Way you look at me' kung saan sina Barbie at David ang naroon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel