Doris Bigornia, nag-post ng behind-the-scenes ng kanyang pag-uulat

Doris Bigornia, nag-post ng behind-the-scenes ng kanyang pag-uulat

- Kinaaliwan ang post ni Doris Bigornia na kuha sa kanyang pag-uulat kamakailan

- Makikita sa kanyang background ang isang magkasintahan na nagyayakapan

- Kinaaliwan din ang pabirong pagkayamot niya dahil sa nahagip ng kanilang camera

- Marami ang natawa sa reaksiyon niya na nakapameywang pa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Doris Bigornia ang picture na kuha sa kanyang pag-uulat. Makikita ang isang magkasintahan na nagyayakapan at nahagip ito ng camera habang siya ay nag-uulat.

Doris Bigornia, nag-post ng behind-the-scene ng kanyang pag-uulat
Doris Bigornia, nag-post ng behind-the-scene ng kanyang pag-uulat (@dorisbigornia)
Source: Instagram

Makikitang sa unang picture at isang camera ang kumukuha sa kanya habang siya ay nag-uulat. Makikita sa naturang video ang lambingan ng magkasintahan. Kinaaliwan din ang pabirong pagkayamot niya dahil sa nahagip ng kanilang camera.Marami ang natawa sa reaksiyon niya na nakapameywang pa.

Narito ang ilang komento:

Yung npadaan k lng at nainggit kya ngpapapicture ka kasama nila..Hahaha Mapapa "Sana All" ka na lang. Sumasabay sa init ng panahon ang ulo mo Madam

Read also

Kim Chiu at Bela Padilla, kinaaliwan sa kanilang "Never have I ever" video

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ms. Doray, asan kayakap mo? pero looks younger ka po. ang aliwalas ng face..labyoooo po mutya ng masa! Hahahhaa kuhang kuha nyo inis ni mareng Doris ha. Hahaha! You are really funny Doris!
Looking good Ms Doris,sana pinalo nyo po yun magjowaUwe!

Si Doris Bigornia ay isang journalist at field reporter para sa ABS-CBN News. Matatandaang naaksidente siya kasama ang ibang katrabaho noong December 21, 2017. Isang Montero Sport ang bumangga sa kanyang sasakyan. Nadamay din ang isang motor at limang sasakyan sa EDSA-Shaw underpass.

Noong 2021 ay na-confine din sa oospital si Doris ayon na sin sa anak niyang si Nikki Bigornia. Ayon kay Nikki ay nagkaroon ng impeksiyon kaya kinailangang sumailalim sa mga procedures ang kanyang ina. Humiling ng dasal ang kanyang anak mula sa publiko. Matatandaang bago ito ay nakaligtas din si Doris matapos atakehin sa puso at na-operahan.

Read also

AJ Raval, ibinida ang bagong video matapos ang pagpapatanggal ng implants

Abril ng 2021 nang mapanood si Doris sa TeleRadyo para magpasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya nang atakehin siya sa puso noong February 22, 2021. Masigla si Doris nang muli siyang humarap sa publiko ngunit mayroon pa rin siyang bandage sa leeg. Pinasalamatan din ni Doris ang mga doktor at medical team na tumulong sa kanyang pagpapagaling.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel