Kim Chiu at Bela Padilla, kinaaliwan sa kanilang "Never have I ever" video

Kim Chiu at Bela Padilla, kinaaliwan sa kanilang "Never have I ever" video

- Kinaaliwan sina Kim Chiu at Bela Padilla sa kanilang "Never have I ever" video na kanilang ginawa habang nasa biyahe sila papunta sa bahay ni Angelica Panganiban

- Habang si Bela ay nagmamaneho, si Kim naman ang nagbabasa ng mga tanong na dapat nilang sagutin

- Kabilang sa mga tanong ay "Never have I ever na kumain ng nahulog na pagkain nang wala pang 5 minutes?"

- Kasunod ng pag-amin ni Kim ay naikwento niya ang kanyang ginawa matapos umano maubusan ng paborito niyang tsitsirya sa canteen ng kanilang paaralan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tawang-tawa si Bela Padilla sa kwento ni Kim Chiu nang mapaamin ito na kumain siya ng pagkain na nahulog na. Ani Kim, naubusan siya ng paborito niyang tsitsirya sa canteen ng kanilang paaralan ngunit gustong-gusto niya daw kumain.

Read also

AJ Raval, ibinida ang bagong video matapos ang pagpapatanggal ng implants

Kim Chiu at Bela Padilla, kinaaliwan sa kanilang "Never have I ever" video
Kim Chiu at Bela Padilla, kinaaliwan sa kanilang "Never have I ever" video (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Kaya naman, palihim daw niyang dinampot ang nakitang dalawang piraso ng naturang tsitsirya at nilagay sa kanyang bulsa. Saka lang daw niya iyon kinain nang wala nang nakatingin. Tawa nang tawa si Bela dahil hindi niya inasahan na ginawa iyon ni Kim.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim. Naibahagi din ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Samantala, napa-head stand si Kim sa It's Showtime matapos siyang pasayawin ng kanyang mga co-hosts. Si Jhong Hilario na tinaguriang "sample king" ang nauna at talaga namang lahat ang kanyang co-hosts ay bumilib sa walang kupas na husay ni Jhong sa pagsasayaw. Kinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtangka nitong mag-head stand dahil nasubsob ng kaunti ang kanyang ulo. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang mga co-hosts sa pagtayo matapos ang kanyang performance.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel