AJ Raval, ibinida ang bagong video matapos ang pagpapatanggal ng implants

AJ Raval, ibinida ang bagong video matapos ang pagpapatanggal ng implants

- Binahagi ni AJ RAval ang isang bagong TikTok video matapos niyang isapubliko ang tungkol sa pagpapatanggal niya ng implants kamakailan

- Makikita si AJ sa naturang video na nakasuot ng maong na jumper at puting pantaas na damit

- Kapansin-pansin din sa video ang kanyang pagliit kung ikukumpara sa mga nauna niyang videos at pictures

- Marami naman ang nagsabing bagay sa kanya ang kanyang new look na mas mukhang wholesome

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpost si AJ Raval ng video sa TikTok matapos niyang isapubliko ang tungkol sa pagpapatanggal niya ng implants. Umani ng samu't-saring komento ang naturang post ng aktres.

AJ Raval, ibinida ang bagong video matapos ang pagpapatanggal ng implants
AJ Raval, ibinida ang bagong video matapos ang pagpapatanggal ng implants (@ajravsss)
Source: Instagram

Kamakailan lamang ay nagbahagi si AJ ng post kung saan hawak niya ang kanyang pinatanggal na implants. Wala naman itong nilabas na pahayag kaugnay dito ngunit sa mga naunang panayam sa kanya ay nabanggit niya na rin na balak niya nang ipatanggal ang kanyang implants.

Read also

Raquel Pempengco, binahagi ang video ng pagkanta nina Morisette at Charice

Samantala, marami naman ang nagsabing bagay sa kanya ang kanyang new look na mas mukhang wholesome.

Good choice. As early as possible, may long term effect mga yan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mas ok po natural beauty mo..accept ka po nmin
Baka mag-concentrate siya sa acting. Bagay po Ms. AJ.

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Ito ay matapos maghiwalay sina Aljur at Kylie Padilla. Una siyang nakilala sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap. Anak siya ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez.

Read also

Rendon Labador, kumalas na raw sa Episode Bar + Kitchen

Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur at AJ ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan. Sa ginanap na mediacon ng serye niyang Mga Lihim ni Urduja ay natanong din sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa pangbabash kina ALjur at AJ kasunod ng kanilang post kamakailan. Muli ay sinabi niyang hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang masaya siya para sa kanilang lahat.

Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ. Aniya, hindi deserve ni AJ ang hate at bashing na kanyang tinatanggap mula sa mga netizens. Bilang tatay ng kanyang mga anak, gusto daw niyang masaya si Aljur para buo ang kasiyahan ng kanyang mga anak.

Read also

Andrea Brillantes, nagpatulong sa Blackpink para sa 'promposal' niya kay Ricci Rivero

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel