Kylie Padilla, nakiusap na tigilan na ang pangba-bash kay AJ: "Tama na guys, hindi talaga siya"

Kylie Padilla, nakiusap na tigilan na ang pangba-bash kay AJ: "Tama na guys, hindi talaga siya"

- Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ Raval ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay

- Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ

- Aniya, hindi deserve ni AJ ang hate at bashing na kanyang tinatanggap mula sa mga netizens

- Bilang tatay ng kanyang mga anak, gusto daw niyang masaya si Aljur para buo ang kasiyahan ng kanyang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakiusap si Kylie Padilla na sana ay tigilan na ang pangbabatikos kay AJ Raval dahil aniya ay hindi talaga ito ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Aljur. Sa isang video na binahagi ng social media personality na si Senyora, sinabi ni Kylie na gusto niyang maging masaya din si Aljur Abrenica para buo din ang kasiyahan ng kanilang mga anak.

Read also

Parokya ni Edgar, may pa-face reveal sa lagay ng kabandang si Gab

Kylie Padilla, nakiusap na tigilan na ang pangba-bash kay AJ: "Tama na guys, hindi talaga siya"
Kylie Padilla, nakiusap na tigilan na ang pangba-bash kay AJ: "Tama na guys, hindi talaga siya" (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Aniya, bilang isang tao na nakaranas din ng depresyon, hindi maganda ang magising at puro hate ang nababasa. Aniya, unfair para kay AJ na siya ang nababatikos. Hindi daw niya talaga sasabihin kung sino dahil nakakadagdag lang sa hate.

Wala pong halong ka-echosan, hindi po talaga si AJ yung reason and that's the truth. Hindi po talaga siya. Kung meron man, hindi po siya. So please, naaawa na rin ako sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Read also

Vice Ganda, nagpaliwanag tungkol sa joke niyang inalmahan ng ilang teachers

Matatandaang sinagot ni Kylie ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sa naturang Instagram post ay binahagi ni Kylie ang isang video na kuha sa kanyang pamamasyal sa Thailand. Ayon sa komento ng naturang netizen, sinabi niyang totoo raw pala ang sinabi noon ni Aljur na si Kylie ang unang 'lumandi'. Tanging laughing emoji ang sagot ni Kylie sa naturang komento.

Nag-post si Aljur Abrenica ng picture nila ni AJ Raval sa Instagram sa unang pagkakataon nitong Valentine's Day. Simula nang ma-ugnay ang dalawa ay hindi pa sila nakapag-post ng picture nilang magkasama kundi nakukuhanan lamang sila ng picture na magkasama. Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, nagbahagi din si AJ ng picture nila ni Aljur kalakip ang isang mensahe. Hindi naman na nagbahagi ng mensahe si Aljur sa kanyang Instagram post kundi makikita lamang sa picture na nakaakbay at nakatingin siya kay AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel