Aljur Abrenica, binahagi ang nakakaaliw na bonding moments nila ng mga anak

Aljur Abrenica, binahagi ang nakakaaliw na bonding moments nila ng mga anak

- Nag-post si Aljur Abrenica ng video kung saan makikita ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Alas at Axl

- Makikitang nakikipaglaro siya sa mga anak na kuha sa isang beach resort

- Marami ang natuwa na makitang masaya ang mag-aama at hindi pinapabayaan ni Aljur ang kanyang obligasyon bilang ama ng mga anak nila ni Kylie Padilla

- Nauna na ring nasabi ni Kylie na gusto niya ay masaya si Aljur kahit hindi na sila dahil aniya ay iyon ang gusto niyang makita ng kanyang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Aljur Abrenica ang masayang bonding moment niya kasama ang anak nila ni Kylie Padilla. Kasama ni Aljur sina Alas at Axl sa isang beach resort.

Aljur Abrenica, binahagi ang nakakaaliw na bonding moments nila ng mga anak
Aljur Abrenica, binahagi ang nakakaaliw na bonding moments nila ng mga anak (@ajabrenica)
Source: Instagram

Wala namang ibang kasama ang tatlo sa naturang post ni Aljur. Gayunpaman, nauna niya na rin nasabi sa mga panayam na naipakilala niya na ang mga anak sa girlfriend nito na si AJ Raval.

Read also

Bobby Ray Parks at Zeinab Harake, nagkasundo na dapat laging una ang mga anak ni Zeinab

Nauna na ring nasabi ni Kylie na gusto niya ay masaya si Aljur kahit hindi na sila dahil aniya ay iyon ang gusto niyang makita ng kanyang mga anak.

Marami ang natuwa na makitang masaya ang mag-aama at hindi pinapabayaan ni Aljur ang kanyang obligasyon bilang ama ng mga anak nila ni Kylie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Aljur Abrenica ay isang Pinoy na aktor na unang nakilala matapos siyang sumali sa fourth season ng reality talent search ng GMA-7 na StarStruck. Naipareha siya sa kanyang kasabayan sa Starstruck na si Kris Bernal. Ikinasal siya kay Kylie Padilla at nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl.

Sa pagdiriwang ng kaarawan ng panganay na anak nina Kylie at Aljur na si Alas Joaquin, isang nakakaantig na birthday message ang binahagi ni Aljur sa kanyang social media page. Aniya, marami siyang natutunan kaugnay sa pagiging ama dahil sa kanyang panganay na anak. Kalakip nito ay nagpost din si Aljur ng picture nilang mag-ama pati mga video clips na nagpapakita ng kanilang masasayang bonding moments.

Read also

Zeinab Harake, inaming sa kanya namamalagi si Ray Parks

Kamakailan ay nag-upload din si Aljur ng pictures nilang mag-aama na kuha sa kanilang beach vacation kasama ang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Makikita sa mga litrato ang saya sa mukha ng mga anak nila habang naglalaro kasama ang ama. Kalakip ng kanyang mga pictures na binahagi ay ang caption na “Seas the day with these two."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel