Zeinab Harake, inaming sa kanya namamalagi si Ray Parks

Zeinab Harake, inaming sa kanya namamalagi si Ray Parks

- Kasama ni Zeinab Harake sa kanyang Instagram live si Bobby Ray Parks

- Naitanong ng isang netizen kung sa bahay daw ba ni Zeinab nakatira si Bobby

- Inamin nila na doon siya nakatira para makasama din niya ang mga anak ni Zeinab na sina Bia at Lucas

- Ani Zeinab, babalik din Ray sa Japan pag natapos ang game niya sa Gilas Pilipinas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isinama ni Zeinab Harake si Bobby Ray Parks sa kanyang Instagram live sa unang pagkakataon. Naitanong ng isang viewer kung sa bahay daw ba ni Zeinab nakatira si Bobby.

Zeinab Harake, ayaw magkaroon ng ugnayan ang anak sa ama nito
Zeinab Harake, ayaw magkaroon ng ugnayan ang anak sa ama nito
Source: Instagram

Inamin naman ng dalawa na doon daw nag-stay si Ray para rin daw makasam nito ang mga bata.

Nabanggit ni Zeinab na malapit ang mga bata kay Ray lalo na si Lucas na hinahanap daw nito sa kanya dahil nasa kuya niya si Lucas ng apat na araw.

Read also

Video ng JakBie na magkasama sa GMA Gala, nagpakilig sa netizens

Ani Zeinab, babalik din Ray sa Japan pag natapos ang game niya sa Gilas Pilipinas at balik LDR na naman daw sila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nabanggit din ni Ray na lagi pinapaalalahanan ng fans ni Zeinab si Ray na huwag nitong sasaktan si Zeinab.

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Ibinahagi ni Zeinab Harake sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpunta sa concert kamakailan ni Bruno Mars. Aniya, sobrang iniidolo niya si Bruno kaya masayang-masaya siya na makapunta sa concert at aniya ay ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks ang nagbigay ng ticket niya. Pabiro pang sinabi ni Zeinab na sa wakas ay nakahanap daw siya ng sugar daddy dahil lagi na lang daw siya ang sugar mommy. Marami naman ang bumilib kay Ray dahil sa pagiging supportive nito sa pagiging fan girl ni Zeinab.

Read also

Wilbert Tolentino, magbibitiw na bilang manager ni Herlene Budol: "Effective July 31, 2023"

Hindi napigilang maiyak ni Zeinab Harake habang nakikinig ng awitin ni Bruno Mars sa concert nito. Ito ang awiting 'Talking to the Moon' na aniya ay kanyang pinakinggan noong panahong malungkot siya. Matatandaang naibahagi ni Zeinab ang tungkol sa pagkawala ng anak niya na pinagbubuntis at tinawag niya ang anak niya na si Moon. Habang naiiyak ay naroroon naman ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks na umalalay lang sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel