Zeinab Harake: "Yung uwian na pero ayaw mo pa humiwalay sa kanya"

Zeinab Harake: "Yung uwian na pero ayaw mo pa humiwalay sa kanya"

- Binahagi ni Zeinab Harake sa kanyang bagong TikTok post ang nakakakilig na video nila ni Bobby Ray Parks

- Base sa kanyang caption, tila pauwi na ito sa Pilipinas mula sa kanyang bakasyon sa Japan kung saan kasalukuyang naninirahan si Ray

- Aniya, parang ayaw niya pang humiwalay sa boyfriend pero kailangan na dahil uwian na

- Marami ang kinilig sa post na ito ni Zeinab na hindi maitago ang kanyang saya habang kasama si Ray

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinakiligan sina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks sa bagong TikTok video na binahagi ni Zeinab. Aniya, parang ayaw niya pang humiwalay sa boyfriend pero kailangan na dahil uwian na.

Zeinab Harake: "Yung uwian na pero ayaw mo pa humiwalay sa kanya"
Zeinab Harake: "Yung uwian na pero ayaw mo pa humiwalay sa kanya" (@ray1parks)
Source: Instagram

Base sa video ay nasa airport na sila at may bitbit na bag si Ray habang si Zeinab naman ay pabirong yumayakap sa paa ng boyfriend.

Read also

Pauleen Luna, may pasilip sa bagong silang na baby nila ni Vic Sotto

Marami ang kinilig sa post na ito ni Zeinab na hindi maitago ang kanyang saya habang kasama si Ray:

Masaya na ako kita kau ulit mag kasama

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sarap Pag masdan ng iyong muka kitang kita na sobra saya mo at natgpuan mo na tamang tao para sayo
Super happy for you Ate Zeinab!!! Finally you found someone na aalagaan at mamahalin ka nang tama

Matatandaang kamakailan ay nagpunta si Zeinab sa Japan upang makasama si Ray na kasalukuyang naninirahan sa Japan. Nasa Japan siya para sa bagong season ng professional basketball tournament na B. League kung saan naglalaro siya para sa koponang Nagoya Diamond Dolphins.

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Read also

Sarah Lahbati sa mga anak: "Will do anything to make you both smile"

Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.

Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel